8

592 49 9
                                    

“Bye Dad, I’ll go na.”

Paalam ko kay Daddy habang nandoon siya sa kusina at as usual, nagkakape na naman habang may hawak na dyaryo. Wala si Mommy, nauna na yata sa kompanya dahil may aasikasuhin pa raw o baka nasa restaurant siya ngayon.

Hindi nagsalita si Dad kaya lumabas na ako ng kusina, dali-dali akong pumunta sa kotse ko at tinungo ang school. Kagaya nga ng dati ay natraffic na naman ako pero ayos na lang din dahil sinisiguro ko naman na hindi ako late sa klase ngayon.

Maaga akong nagising dahil excited ako at Monday na, ang hinihintay kong araw. Feeling ko naman ayos na kami ng Ryder na iyon dahil ang huli naming encounter ay noong nagpunta kami sa cliff at sa baba noon ay ang city light at meron ang buwan.

Napangiti tuloy ako habang nagdra-drive. I think, I achieve something during that time. He told me something na hindi lahat ng tao ay alam. Naiingayan siya sa paligid niya, nasisikipan siya but I think sa ibang paraan, deeper than that. I should read between the lines. He also said he is in dilemma, ano kaya 'yon?

Natigil lang ako sa pag-iisip nang umusad na ang traffic at nakapagmaneho na ako ng matiwasay.

“And If I could get you the moon

I’ll give my life for you

Cause you are, you are the reason why I’m still hanging on

You are, you are the reason why my head still above water”

Pagsasabay ko sa kanta at napangiti nang parang sirang plaka na naririnig ko ang huli niyang sinabi bago umalis sa harapan ko ng gabing iyon, hindi man lang hinintay ang sagot ko ng letse!

“I can be your moon and I will keep your secrets and you can be the city lights that can calm me down.”

“I can be your moon and I will keep your secrets and you can be the city lights that can calm me down.”

“I can be your moon and I will keep your secrets and you can be the city lights that can calm me down.”

“I can be your moon and I will keep your secrets and you can be the city lights that can calm me down.”

Silly. Bakit ko ba kasi nasabi sa kaniya ang mga bagay na iyon? At bakit ang saya ko? Tangina naman!

I shook my head at pilit winawaksi sa aking isipan ang lalaking 'yon. Mamaya ko pa naman siya hahabulin, ah.

Nakarating ako sa school ng matiwasay at marami pa akong nakakasabay sa harapan ng gate pero nagbibigay ng daan nang napansin ako. Heto na naman tayo sa isipang De Villa ako at may special treatment.

Nasa bag ko lang ang Id ko dahil baka sakaling si Ryder ang sasalubong sa'kin pero nadisappoint lang ako nang si Kuyang guard ang nandoon at as usual hindi na tinignan ang Id ko. 

Bakit parang gusto mo siya agad ang makita? lintek kang babae ka?!

Inis akong naglakad papunta sa Building namin pero sa kamalas-malasan nga naman ay may babaeng nabangga ako dahil hindi nakatingin sa daan, ang iba nag-give way pero ang isang 'to ay hindi yata ako napansin.

Nagsinghapan ang mga nasa paligid nang nagkabanggaan kami. To be honest, pwede naman akong tumabi na lang pero alam kong magtataka ang mga tao kapag ginawa ko iyon, they know us as territorial. Dapat mag-give way ka sa nakakataas sa'yo, iyan ang nakatatak sa utak nila and I hate it pero wala akong magawa, iyon ang nakasanayan nila sa isang De Villa, ultimo nga si Aki ginaganoon nila eh, pero ang isang iyon, sikat dahil sa pagiging mabait niya. The rest, lahat mga player at war freak na. 

Ganyan ang buhay ko, sinusunod ang kung ano man ang tingin ng iba, kahit gusto kong maging kagaya na lang ni Aki, but sad to say, hindi ko parents ang parents niya pero Calla is like me, like us. Tanging siya lang talaga ang may lakas ng loob na gawin ang sa tingin niya ay tama.

Chasing A Trap (De Villa Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon