24

641 18 0
                                    

“God! Why do I still need to see that trap?”

Naiinis na sabi ko habang nakatingin parin sa pulang kotse na siyang lulan noon ay ang gagong si Ryder. Nang nawala na siya sa paningin ko ay agad kong pinuntahan si Jacob na pinupulot na pala ang mga pinamili namin.

“Paki-bukas yang kotse, lalagay ko na ito,” nakangiting sabi ni Jacob at napairap na lang ako.

“Why do you need to act like that ba kasi?! Ayan tuloy nagkapasa ka pa! God! Dagdag sa konsensya!” Sigaw ko at natawa naman siya at medyo napangiwi dahil sa dumudugo parin niyang labi.

“Damn that Buenavista! Laging ako ang punching bag,” natatawang sabi niya at napangiwi ako. Bakit mukha pa siyang masaya? Gosh! May sayad ata 'to!

“Happy ka pa n'yan? Baka gusto mo dagdagan ko?!” naiinis na sabi ko at inamba sa kanya ang kamao ko. Aba! Kahit busy ako sa bangko ay nagawa ko parin namang mag-boxing, exercise ko na kaya iyon at may kunti akong abs! malakas kaya akong sumuntok!

“Zea naman! Buksan mo na lang kaya 'yang kotse mo, nangangalay din ang gwapo,” reklamo nya at binalewala ko na lang ang pag-angat na naman niya sa bangko niya, gwapo his ass!

Binuksan ko na lang ang pintuan ng kotse at linagay na niya lahat ng pinamili ko sa back seat at pagkatapos noon ay pinat nya ang ulo ko at ngumiti.

Ano ako aso?!

Magsasalita na sana ako kaso naunahan na ako ng gago.

“Kunin ko na lang 'yong pinamili ko, ah? Kailangan ko pang gamutin 'to,” natatawang tinuro nya ang labi at pinasadahan pa iyon ng kanyang dila. He looks hot there but walang epekto sa akin. I saw him as my Kuya eh, but if it is Ryder? Ewan ko na lang.

Damn! Of course wala ring epekto!

“I’ll cure that one total ako naman ata ang dahil----“Ata? Hindi ka sure? Boplaks ka pala, Zea eh!” putol niya sa sasabihin ko sana at tinuloy ang paghaloghog sa mga pinamili namin para makuha ang sabon at gel niya.

“Aba! Diba sabi mo baka ibang De Villa?! As far as I know, lima kaming De Villa! Hindi ako kagaya mo na assuming!” sigaw ko at ngumisi naman siya at sinara na ang kotse ko dahil nakuha na niya ang gel nya at humarap na sa akin.

“Atleast, totoo yong inassume ko.” Ngisi niya at napa-irap naman ako. “And no, Zea, I don’t want you to cure this cut. I want her to cure this, magpapabebe ako tapos ending kiss na diba? Edi nakachansing pa ako sa bebe ko,” 

Napangiwi naman ako sa dahilan nya at natawa naman siya sa nakitang reaksyon sa mukha ko. 

“Bye Zea! Punta na ako sa bebe ko!” sabi nya at tuluyan na akong iniwan dito.

“Damn you, hakob! Huwag mong buntisin ang pinsan ko!” sigaw ko at natawa naman sya.

“I won’t! red flag!”

Napailing na lang ako sa sinabi niya at pumasok na sa kotse ko at nagtungo sa condo namin.

Ilang minuto lamang ay sinalubong na ako nina Kuya Andoy, naka-apron pa siya at mukhang nagluluto. Tinignan ko ang oras sa cellphone ko at alas onse na pala. Lunch na.

Kinuha nila ang mga pinamili ko at pinasok sa condo namin. Nakita ko pang nasa hapag na sina Hazel at mukhang ako na lang ang hinihintay nila.

“Natagalan ka ata, Kazea?” salubong ni Hazel sa akin. Ako naman ay agad na nagtungo sa refrigerator at kumuha ng pitsel bago kumuha ng baso at sinalinan iyon ng tubig.

“Nay, mano po,” sabi ko at nagmano kay Nanay Flora na nasa harapan ng rice cooker at nagsasandok doon ng kanin.

“Kaawaan ka ng Diyos, Iha” sabi niya ng nakapag mano na ako. Tsaka ko naman hinarap si Hazel.

Chasing A Trap (De Villa Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon