Kabanata 1

280 110 6
                                    

 "Ateeeeeeeeeeeeeee! Ibaba niyo na ako! Ayoko na. Hindi na ako sasama dito!" pagmamaktol ng bunso kong kapatid na si Abby.

"Anong lugar to?! Kahit signal ay wala! Hindi ako mabubuhay dito! Uuwi na ako!" napahilot ako sa sentido ko ng wala sa oras dahil sa boses nito.

"You know what, Abby. Okay fine you can go now. Manong ihinto niyo po itong kotse at bababa po tong babaeng kanina pa, sigaw ng sigaw!" dugtong ni Ate Marcel, panganay sa aming tatlong magkakapatid

"Anong silbi ng tablet, laptop, at cellphone ko dito?! Wala diba? Wala! If I just know na itong bakasyon pala ang sinasabi ninyo, sana pala ay sumama na lang ako kay Mommy at Daddy sa Singapore!" dagdag na reklamo nito at salampak sa kanyang upuan.

"You just can't. Trabaho ang pinunta nila roon. Ow if you wanna work then you can go there. At sino ba naman kasi ang nagsabi na dalhin mo lahat ng gadgets mo? Diba wala" iling ko sa kanya sa likod dahil hindi na maipinta ang mukha nito.

"Pero you know what, Ellie parang isang araw at kalahati na tayong bumabyahe. Wala na ba tong katupusan?" saad ni ate na isa rin pala.

"I know right!" dagdag ni Abby.

"Alam niyo, magsama kayong dalawa!"

"Hey!Hey! I'm just telling the truth here." Sabay tapik sa akin ni ate.

Hindi na lang ako umimik dahil baka humaba na naman ang usapan.

'Malapit na po tayo, Ma'am sa Calle Buen" sabat ni manong driver.

Ilang sandali pa at nakarating na kami. Ang ganda ng lugar. Bumaba na kami at pinagmasdan ko muna ang paligid. Parang kailan lang ay naghahabulan pa kami ni Ate dito. 'Yong fountain sa gilid ng mansion ay buhay na buhay pa rin. Napaka-aliwalas din ng panahon. Ang sarap sa pakiramdam nang simoy ng hangin.

"Sa wakas! Nakarating din tayo" saad ni Ate Marcel

"How I wish, I'm not here" patuloy na pagmamaktol ni Abby

"Oh but you are here, little sister. Enjoy na lang natin to, Abby, okay? Let's go" anyaya ni Ate kay Abby para naman tumigil na ito.

"Mga Iha, buti at nakarating kayo ng ligtas" salubong sa amin ni Nanay Felly. Kanya-kanya kaming yakap sa kanya. Siya ang tagapag-alaga ng bahay na ito na ipinamana nina Lola at Lolo kay Daddy.

"Kumusta po kayo, Nanay?" tanong ko sa kanya habang hawak ang mga kulubot nitong mga kamay. Siya lamang ang tanging pinagkakatiwalaan ng aming pamilya pagdating dito sa mansion kaya parang pamilya na rin ang turing namin sa kanya.

"Tumatanda na, Ellie" sagot niya sa akin.

"Nanay, maganda pa rin po kayo" natatawang saad ni Ate Marcel sa matanda. Sa totoo lang ay malapit talaga ang loob namin sa kanya dahil isa siya sa mga nagpalaki sa amin ni Ate Marcel.

"Eto na ba si Abby? Aba dalaga na at napakaganda" turo niya kay Abby habang naka-upo at nakasimangot. Hindi na niya ito nakitang lumaki dahil umalis kami ng mansion nang lumago ang pinapatakbong kompanya ng aming mga magulang. Siguro ay nasa isa o dalawang taong gulang pa lamang noon si Abby at siyam na taong gulang naman ako ng umalis kami dito sa Calle Buen.

"Hello po" tipid na bati nito kay Nanay Felly.

"Nay, eto na po ba si Eduard? Ang laki na po niya ha" singit ni Ate Marcel dahil busy si Eduard sa kaka-ayos ng mga dala naming gamit. Siya ang apo ni nanay Felly, katuwang niya sa pag-aasikaso dito sa mansion. Siguro ay ka-edad niya si Abby.

"Ay oo, iha. Binata na rin. Kaybilis ng panahon, ano?" tumango ako dahil totoo naman, sobrang bilis ng panahon. Noon ay malaya kaming naghahabulan sa labas ng mansion, ngayon ay parang wala na, hindi na ito nagbibigay saya sa amin.

"Ka-edad niya lang po si Abby diba? Bata pa sila noon kaya hindi nila kilala ang isat-isa" dugtong ko sa istorya.

"Don't touch my bag! I can manage!" lahat kami ay napatingin kay Abby at Eduard. Nagtataray na naman ang bunso namin. Naku! Ang batang to talaga.
"S..ige po" nahihiyang tugon ni Eduard.

"Apo, ikuha mo na lamang ng maiinom sila. Sige na" napatango na lamang ito at pumunta na sa kusina

"Nanay, pagpasensyahan mo na lang po itong kapatid kong maldita. Ganyan po talaga yan" hingi ng tawad ni Ate Marcel dahil sa ginawa ni Abby.

"Opo, medyo tinotopak" bulong ko kay Nanay Felly na nasa tabi ko at siya namang tawa nito.

Tumayo ako at nagpasyang pumunta sa ikalawang palapag ng lumang mansion.

"Ellie, hindi ka ba muna kakain?" Tanong ni Ate Marcel ng papanhik na ako sa itaas.

"Mamaya na po Ate" sagot ko naman.

"Parang hindi ka nagutom sa tagal ng byahe ha?" rinig ko pa rin na salita niya.

Lumalagitnit na ang hagdan sa bawat tapak dito. Ang hawakan nito ay may bakas na rin ng kalumaan. Sa pagkaka-alam ko ang lumang mansion na ito ay mula pa sa ninuno ng Lola at Lolo ko kaya't hindi na rin nakakapagtaka na dahil sa sobrang luma nito ay maaring masira ang hagdan na tinatapakan ko.

Nang makarating sa ikalawang palapag, pinagmasdan ko ang mga lumang litratong nakadikit sa pader. Mula sa kanununu-nuan ko ay nandito. Ang litrato ng Lola at Lolo ko sa tuhod at ang kanyang pamilya. Pero ang higit na nakakuha ng atensyon ko ay ang lumang piyano sa gilid ng sala. Lumapit ako dito at hinawakan ang bawat pyesa. Dahan dahan akong umupo at pilit ina-alala ang kinalakihang tugtog.

Tinipa ang unang teklado saka tinugtog at inawit ang kanta.

"Ikaw lamang ang pangakong mahalin

Sa sumpang sa iyo magpakailan pa man

Yakapin mong bawat sandali

Ang buhay kong sumpang sa'yo lamang alay

At mapapawi ang takot sa 'kin

Pangakong walang hanggan"

Pinikit ko ang aking mga mata habang dinadama ang musika.

Calle Buen

Mayo 11, 1956

"Señorita"

"Oh bakit humahangos ka Piling?"

"Nandito po pala kayo sa itaas. Pinapatawag po kayo ng inyong Ama at Ina"

"Sige at bababa na ako"

"Ellie!"

Napamulat ako at itinigil ang pagtugtog.

"At..e Marcel, bakit po?" tanong ko sa kapatid na nakatayo sa gilid ko.

"Kanina pa kita tinatawag mula sa ibaba pero hindi ka sumasagot. Kaya pinuntahan na lang kita dito" Paliwanang niya sa akin. 

Plumeria [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon