Kabanata 23

42 30 0
                                    

"Ellie, mag-amusal ka na. Lumabas ka na dyan"

"Opo, Ate Marcel. Bababa na po ako"

Hinintay ko muna talagang umalis si Nanay Felly sa Mansion. Oo, masama talaga ang ugali ko. Ayoko lang na mas lalong dumagdag ang mga iniisip ko. Baka kung magkasabay man kami sa pagkain o magkasalubong dito sa loob ng Mansion na possible naman talagang mangyari ay baka pabalikin na naman niya ako ng Manila. Pero hindi ko 'yon gagawin. Ngayon pa ba na meron siyang sinasabi na baka masangkot ako. Saan? Anong pangyayari ang sinasabi niya?

"Tama ang desisyon ko, Ellie. Kaya tumigil ka na para hindi ka masangkot sa mga nangyayari"

Naalala ko na naman ang mga sinabi niya kahapon. Napa-iling ako. Napansin kong may mga lumalabas nang ugat sa tangkay nang Plumeria. Ang ibig sabihin ay buhay ito at kailangang itanim na sa lupa upang magtuloy-tuloy ang tubo nito. Kinuha ko 'yon at bumababa agad.

Naabutan ko si Abby na nagce-cellphone lang sa sala. Magpapatulong ako sa kanya na itanim ang mga ito. Alam kong hindi sa makakatanggi dahil hilig niya ito. Tamang-tama, Ellie. At naalala ko na siya ang nag-ayos ng mga halaman dito sa Mansion na kahit tirik na tirik ang araw ay nabuhay ang mga itinanim niya.

"Abby"

"Po, Ate?" Nakatutok ang mata niya sa cellphone.

"Abby!"

"Ano po 'yon, Ate Ellie?"

Inagaw ko ang cellphone niya at inilagay sa lamesa.

"Ate Ellie!"

"Abby, magpapatulong ako sayo"

Tiningnan niya ang dala-dala kong mga bulaklak.

"Magtatanim lang pala!"

Lumabas kami ng Mansion. Sumunod ako sa kanya na nakangiti.

"Abby, manang-mana ka sa Lolo"

"Paano mo naman po nasabi, Ate?"

Tanong niyang seryosong-seryong itinatanim ang isang tangkay ng Plumeria dito sa bakuran ng Mansion. Ako naman ay tintanggal ang mga damong tumubo.

"Hindi mo na kasi siya naabutan. Ay hindi mga 2 years old ka 'non pero diba nga, umalis na tayo dito"

"Tapos, Ate?"

"Magaling si Lolo magtanim at mag-alaga ng mga halaman tulad mo. Dati 'non ay sobrang hilig namin ni Ate Marcel na tumambay dito kasi punong-puno ng bulaklak. Feeling namin ay mga prinsesa kami"

"Oo ba, Ate? Akala ko ampon niyo ako eh!" Patawa-tawa niyang sabi. Umurong siya at itinanim naman ang sunod.

"Tapos ginagawa namin ni Ate Marcel na flower crown 'yong mga bulaklak" Ang saya palang maging bata ulit. Bigla akong napangiti sa mga naalala.

"Ayan, Ate Ellie tapos na" tumayo siya at ipinalpag na ang mga kamay.

"Kinakailangan ng malusog na lupa, sapat na sinag ng araw, pagdidilig at pagmamahal upang magtuloy-tuloy ang pag-usbong ng halaman" paliwanag ni Abby sa akin.

"Wow! Thank you, Abby!"

"Anong halaman pala 'yan, Ate Ellie?"

"Plumeria. Plumeria ang tawag sa halaman na itinanim mo"

Calle Buen

Mayo 28, 1956

Ala-otso ng umaga

Plumeria [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon