Bakit gano'n ang naging reaksyon ni Nanay Felly? Nakakapagtaka.
Ipinagsawalang bahala ko na lamang. Dahan-dahan kong dinampian ng alcohol ang sugat ko at pagkatapos ay nilagyan ko ito ng band aid.
Lumabas na ako ng kwarto. Pero naagaw na naman ng telepono ang paningin ko. Hindi ko alam pero lagi na lang na ganito. Parang may pwersang nagtutulak sa akin na lapitan ito. At wala na nga akong nagawa kundi sundín iyon.
"Ano ba ang meron sayo ha?" bulong ko sa sarili. Nasa harap na ako nito at nakatitig. Iniangat ko na ito at inilagay sa kanang tainga. Saktong nasa harapan ko naman ang nakasabit na orasan. Alas-onse ng umaga. Hindi ako nagsasalita. Pinapakiramdaman ko lamang ang paligid at pati ang nasa kabilang linya. Wala akong marinig. Pwede kong isipin na sira ito at hindi na gumagana dahil kahit dial tone ay wala. Pero nakaka-usap ko dito si Annie. Hindi naman siguro ako nababaliw, diba? Siguro ay sira lamang ang linya ng telepono. Ibinalik ko na ito at tuluyan ng bumaba.
Diretso ako sa sala dahil nandoon pa rin sina Ate Marcel, Abby, at Eduard kasama si Nanay Felly.
Lumapit agad ako sa matanda na naka-upo. Hinawakan ko ang kamay niya na may sugat pero may band aid na rin tulad ng akin.
"Okay na po ba kayo, Nanay?" tanong kong nag-aalala. Pero dahan-dahan niyang binawi ang kanyang kamay na hawak ko. Napatingin ako sa ginawa niya.
"A..aayos na ako, Ellie. H'wag ka ng mag-alala" agad siyang tumayo na parang balisa.
"Ss..salamat, Marcel at pasensya na sa nangyari. Pupunta na muna ako sa kusina" nagpaalam na ito sa amin.
"Sige po, Nanay" ani ni Ate Marcel.
"Tutulungan ko na lang po muna si Lola" tumayo na si Eduard at sumunod sa kanyang Lola Felly. Kaming tatlo na lamang ang natira dito sa sala.
Napansin kong nakatitig sa akin ang dalawa.
"What now?' saad ko.
"There's something really really fishy about Nanay Felly's reaction" ani ni Abby na hinahawakan pa ang baba na parang isang detective.
"Habang ginagamot ko ang sugat niya ay parang aligaga siya. Tapos medyo nanginginig pa 'yong kamay. Akala ko nga ay kung anong mangyayari eh. Kinabahan ako" paliwanag si Ate Marcel.
"Baka nasaktan lang. Kung anu-ano iniisip niyo" sagot ko sa dalawang kapatid.
'Hindi, Ellie eh. Iba ang pakiramdam ko" tugon ni Ate Marcel na napatingin sa akin
"Ate! Baka marinig ka ni Nanay. Baka isipin niya na pinagkekwentuhan natin siya. Hayaan na lang natin" kumbinsi ko kay Ate Marcel.
"Balik na lang muna ako sa kwarto" paalam ko sa dalawa at tumalikod na.
Ano kaya ang pwedeng gawin? Ni wala man lamang akong mapuntahan. Tapos ko na rin basahin yung librong dala ko. Ano ba? Kinuha ko ang cellphone ko at naisipan maglaro. Mawala man lamang ng saglit ang inip ko.
Habang kinakalikot ang cellphone, sumagi bigla sa isip ko ang address nina Francis. Hiningi ko 'yon sa kanya ng ihatid niya ako dito sa mansión. "Puro Street # 5 168, Santolan Cruz, Calle Buen"bingo!
Agad akong nagbihis. Pupunta ako sa kanila. Siguro ay malapit lang naman sila. Magta-tricycle na lang ako.
"Ate, alis po muna ako" paalam ko kay Ate Marcel na busy sa pagmamanicure.
"Saan ka pupunta? Hindi ka pa nananghalian"
"Dyan lang po. Busog pa po ako. Uwi rin ako"
BINABASA MO ANG
Plumeria [COMPLETED]
RomanceAng totoong pag-ibig ay maihahalintulad sa bulaklak ng Plumeria. Magsisimula sa isang binhi, magkaka-ugat, tutubo ang mga sanga at unti-unting mamumukadkad ang ganda ng bulaklak. Kinakailangan ng malusog na lupa, sapat na sinag ng araw, pagdidilig a...