Kabanata 24

39 27 0
                                    

"Ellie, pwedeng pakihawak muna nito. Itatali ko lang ang sintas ko"

"Ellie"

"Ellie!"

"A..no Francis?"

"Bakit parang lutang na lutang ka? Hindi ka ba nakatulog kagabi ng maayos?"

"Sorry. Akin na" Iniaabot niya sa akin ang resibo. Nandito kami sa cashier counter ng ospital para magbayad.

"Siguro kakaisip mo sa akin, Ellie"

"Baliw!" Sabay balik sa kanya nang ipinapahawak.

"Oh bakit mugtong-mugto yang mga mata mo?"

Naalala ko na naman ang nangyari kagabi. Pakiramdam ko ay yun ang pinakamatagal na gabi sa buong buhay ko.

Nanginginig ang mga kamay ko habang ibinabalik sa dating ayos ang painting. Tumayo na ako at nagmamadaling lumabas ng kwarto ni Nanay Felly. Dumiretso agad ako sa kwarto ko. Tulala sa mga nangyayari.

Sa loob lamang ng ilang oras ay parang nawala ako sa sarili. Iniisip ko na baka ibang Annie ang taong nakasulat sa painting. Pilit kong kinukumbinse ang sarili na marami ang ganoong pangalan hindi lang ang Annie na nakaka-usap ko. Imposible. Napaka-impossible.1956 ang taon na nakasulat doon! At 2020 na ngayon! Nababaliw ka na! Baliw ka na talaga! Unti-unti na akong umiiyak dahil sa takot. Nakasiksik na ako dito sa sulok habang patuloy sa pag-iyak. Hindi pa rin ako naniniwala. Marami ang ganoong pangalan. Hindi lamang siya.

Tumayo ako at lumabas ng kwarto. Tatawagan ko siya. Alas-onse y medya na ng gabi at nandito ako sa harap ng telepono na nakatayo. Umuulan ng malakas at patuloy ang kulog at kidlat. Iniangat ko ang telepono.

Nagriring ito. Naghintay akong sagutin niya ang tawag ko pero wala. Hindi siya sumasagot. Paulit-ulit ko itong ginawa hanggang sa mapagod ako.

Nanggigil na ako sa telepono! Bakit hindi ka sumasagot ngayon na kailangan kita?! Sumagot ka! Kailangan kitang makausap! Sumagot ka!

Nahulong bigla ito dahil sa gigil ko. Pinulot ko agad iyon at ibinagsak sa lamesa pero laking gulat ko na mapansin na hindi ito nakasaksak sa socket. Hinila ko ang wire at nakitang wala itong kahit panaksak. Paano nangyari 'yon?Halos isang buwan kaming nag-uusap dito. Pa..aanong? Tuluyan na akong napahagulgol kasabay ng pagbagsak ng malakas na ulan sa bubong.

Calle Buen

May 28, 1956

Alas-onse y medya ng gabi

Nagising ako nang maramdamang parang may dumadamping malamig sa aking leeg. Tatayo na sana ako ng daganan ako bigla ni Daniel.

"Saan ka pupunta? Ha?"Nanlilisik ang kanyang mga mata nang humarap sa akin.

"Bitawan mo ako, Daniel!" Pilit niya akong hinahalikan at hinahawakan ng mahigpit sa kamay.

"Asawa kita at may karapatan ako sayo,Annie" Agad niyang pinunit ang suot kong pantulog na bestida.

"Riiiiiiiiiiiiiiiiiiing! Riiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiing! Riiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiing!

"Daniel! Bitawan mo ako! Ano ba! Bitawan mo ako" nagpupumiglas ako ngunit napakalas niya. Tuluyan na niyang naalis ang suot kong damit. Hinahawakan ang buong parte ng katawan ko at pilit akong hinahalikan.

"Riiiiiiiiiiiiiiiiiing! Riiiiiiiiiiiiiiiiiiiing! Riiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiing!

"Maawa ka Daniel. H'wag mong gawin to. Maawa ka sa akin" Humihikbi na ako at nagmamaka-awa na tumigil siya ngunit hindi niya ako pinakinggan. Patuloy lamang siya sa kawalang-hiyaang ginagawa sa akin.

Plumeria [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon