"Tama rin po pala ako na si Annie ay ang Lola Cecilia" Ani ko kay Nanay Felly. Napagtagpi-tagpi ko rin at nalaman na ang Lola ko at si Annie ay iisa. Ang picture sa loob ng box ang mas lalong nagbigay sa akin ng ideya at hindi nga ako nagkamali.
"Ibig sabihin ay kapamilya pa namin ang walang hiyang Ama ni Lola"
"Oo, tama ka Marcel"
"Piling, napakaganda na nang ating bakuran. Tingnan mo"
"Oo nga po, Señorita at meron na pong Plumeria, ang paborito ninyong bulaklak"
"Napakaganda talaga ng Plumeria"
"Señorita, paparating po si Leo. Tatawagin ko po"
"Leo! Leo! Halika muna sandali"
"Piling ano ba! H'wag mo na siyang papuntahin dito"
"Leo!Bilisan mo!"
"Piling! Nakakahiya ka"
"Paparating na po siya Señorita. Hindi ko na po 'yon pwedeng bawiin. Ayan na po siya"
"Bakit po? May iuutos po ba kayo?"
"Wala naman. Gusto lamang itanong ni Señorita Annie kung bakit may mga halaman ng Plumeria sa bakuran"
"Kinuha ko pa 'yan noong minsan ninyo akong utusan na kumuha ng mga Plumeria. Naiisip ko pong magtanim na rin po dito pa..ra sa inyo."
"Magmula noon ay nagkapalagayan ng loob si Annie at Leo. Hindi na rin tumutol ang mga magulang ni Annie sa naging relasyon ng dalawa"
"Para sa iyo, Annie"
"Salamat, Leo sa mga Plumeriang ito"
"Dahil lamang sa mga bulaklak na iyon ay nagkaroon ng bagong simula ang buhay ni Annie. Ngunit tulad nang kwento ng buhay pag-ibig ni Icko at Belle, ganoon rin ang nangyari kay Leo at Annie" napabuntong hininga ang Nanay Felly.
"Bakit naman po?" Tanong ni Abby.
"Si Icko lamang ang pinakakamamahal ni Annie at alam 'yon ni Leo. At kahit ganoon ang sitwasyon ay mas pinili pa rin ng isang hamak na hardinero ang tulungan si Annie"
"Hindi tuluyang nalimutan ni Annie si Icko ngunit dahil kay Leo ay nagpatuloy ang kanyang buhay. Nagkaroon ng bagong simula, hanggang sa biyayaan sila nang anak at 'yon ang daddy ninyo mga iha"
"Ate, Hindi pa rin po ako makapaniwala na nangyari 'yon sayo"
"Kahit ako rin, Abby" sambit ko habang hawak-hawak ang lumang telepono at pinagmamasdan ito.
"Kahit rin pala sa kamatayan ay hindi natatapos ang totoong pag-ibig"
"Opo, Ate Marcel. Dahil puso ang naghahanap, puso rin ang makakasagot" Ngumiti akong napatingin sa kanya.
"Daddy, mahal niyo po ba si Mommy?" Tanong ni Abby.
"Syempre naman, baby. Hindi ako magkakaroon ng tatlong prinsesa kung hindi ko mahal ang Mommy niyo" Lumapit siya sa amin at niyakap kaming tatlo ng mahigpit.
"Bakit mo naman 'yan natanong, Baby?"
"Wala po, Mommy. I really believe na po na Love is mysterious and full of miseries" Ani nito sa napakaseryosong mukha.
"Kasi po Mom, boyfriend na po niya si Eduard!" Asar ni Ate Marcel.
"Aba! 'yong sipuning bata noon na ka-edad mo? Dalaga na ang prinsesa ko"
BINABASA MO ANG
Plumeria [COMPLETED]
RomanceAng totoong pag-ibig ay maihahalintulad sa bulaklak ng Plumeria. Magsisimula sa isang binhi, magkaka-ugat, tutubo ang mga sanga at unti-unting mamumukadkad ang ganda ng bulaklak. Kinakailangan ng malusog na lupa, sapat na sinag ng araw, pagdidilig a...