"Ate Marcel, Abby, ring ng ring ang telepono kagabi. Hindi niyo man lamang ba narinig 'yon?"
"Wala akong narinig, Ellie. Anong oras ba?"
"Alas-nuebe, Ate. Naalimpungatan nga ako eh"
"Gising naman ako ng mga ganyang oras. Nanonood ako ng movie pero wala naman akong narinig na ring"
"Ikaw, Abby? Hindi mo narinig?"
"Tulog na po ako ng ganyang oras, Ate Ellie"
"Sino ba ang tumawag?"
"Yung si Annie. Diba nakwento ko na sa inyo"
"Ahh. Oo. Eh bakit daw?"
"Wala naman. Usap-usap lang"
Pinabayaan ko na. Inisip ko na lang na kahit papaano ay nakatulong ako kay Annie. Nandito kami sa labas ng mansión. Nakatambay. Ang init sa loob. Buti pa dito ay mapresko.
"Mga Ate, tingnan niyo po to" may nilagay si Abby sa lamesa.
"Nakuha ko po yan sa kwarto ko"
Sabay namin nahawakan ni Ate Marcel ang sobrang lumang papel na nakatiklop. Brownish na ang kulay nito at halatang pinaglumaan na ng panahon.
"Ako ang panganay. Kaya ako muna" tingin ni Ate sa akin kaya binitawan ko na.
"Nabasa ko na po ang laman n'yan, Ate Marcel"
"Malamang, Abby. Ikaw ang nakakuha eh"
"Grabe, ang luma-luma na nito. Sa tingin niyo kapag binenta ko to ay may pera akong makukuha?" ani nito na pinagmamasdan ang hawak na papel.
"Akin na nga, Ate. Ako na ang magbabasa" Gustong-gusto ko nang malaman ang nakasulat. Pero masyadong pinapatagal ni Ate Marcel. Nakakainis na.
"Bakit ba atat na atat ka, Ellie?" inirapan ko lang siya.
"Basahin mo na kasi, Ate Marcel" Si Abby na nakatingin sa akin ng seryoso.
"Okay fine. Sige. Babasahin ko na bago pa mag-init ang ulo ng isa dyan"
Humugot siya ng isang malalim na hininga bago binasa ang sulat. Tutok na tutok na ang atensyon ko sa kanya na parang hindi na rin kumukurap ang mga mata ko.
"Mahal ko,
Hindi mo kailangang humingi ng kapatawaran sa akin at sa mga nangyayari. Huwag ka ng mag-alala sa aking sitwasyon. Nasa maayos akong kalagayan. Pagkatapos ng nangyari ay mas lalong nanaig sa puso ko ang ipaglaban ka. Batid kong napakahirap ng iyong sitwasyon at dumagdag pa ako sa iyong suliranin. Hindi ko rin alam kung papaano kita matutulungan ngunit ang tanging alam ng puso ko ay sundín at ipaglaban ka. Noong una ay may takot sa puso ko, nangangamba kung ano ang magiging resulta ng ipinaglalaban ko ngunit napagtanto kong ikaw ang buhay ko at hindi ko kakayanin na tuluyan kang malayo sa piling ko aking mahal. Gagawin ko ang lahat upang magkasama tayong muli kahit ang panahon ay nagsasabing hindi tayo maaari para sa isa't-isa. Magkita tayo. Hihintayin kita kung saan una tayong nagtagpo.
-Francisco"
"Grabe ang pagmamahalan. Tagos na tagos sa puso ko"
"Ano kaya Ate Marcel kung nagkita sila?"
"Hindi ko alam. Pero sana oo"
"Kung hindi sila nagkita, diba, Ate may sinabi dyan ang nagsulat na "Gagawin ko ang lahat upang magkasama tayong muli kahit ang panahon ay nagsasabing hindi tayo maaari para sa isa't-isa"
BINABASA MO ANG
Plumeria [COMPLETED]
RomanceAng totoong pag-ibig ay maihahalintulad sa bulaklak ng Plumeria. Magsisimula sa isang binhi, magkaka-ugat, tutubo ang mga sanga at unti-unting mamumukadkad ang ganda ng bulaklak. Kinakailangan ng malusog na lupa, sapat na sinag ng araw, pagdidilig a...