"Ang pagkakakila ko kay Annie ay isang mabait, magalang at masunurin na anak sa kanyang mga magulang. Sa buong buhay kong pagsisilbi sa kanilang pamilya ay hindi ko siya narinig kailanman na tumutol sa kanyang mga magulang kahit pa noong nalaman niyang ipinagkasundo siya ng kanyang ama sa lalaking hindi niya mahal"
"Hindi mo man lamang inisip ang kapakanan ng ating anak bago ka nagdesisyon. Sa tingin mo ba'y papayag siya sa gusto ninyong mangyari?"
"Gusto mo bang maubos lahat ng yaman ng pamilya natin, Sita? Baon na tayo sa utang. Wala ng ibang paraan kundi ipagkasundo ang anak natin sa anak ni Don Ignacio. Naiintindihan mo ba iyon?"
"Ipinagkasundo siya dahil baon na ang kanilang pamilya sa utang. Mawawala ang lahat ng kanilang yaman pati ang pangalang iniingatan. Alam kong tutol ang kanyang ina sa desisyon ng kanyang ama ngunit wala ring nagawa ang pagtutol na 'yon"
"Alam ko pong ayaw ninyong maikasal kay Señior Daniel, Ss..eñorita"
"Hh..indi Piling. Gagawin ko ito para sa aking pamilya"
"Alam ko rin po 'yon, Ss..eñorita. Ngunit naririto po ako ngayon para tulungan kayong tumakas. Hindi ko po batid na nakikita kayong nahihirapan"
"Halina na kayo. Ako po ang gagawa ng paraan para maka-alis kayo rito"
"Dumating ang nakatakdang oras ng pamamanhikan. Pilit ko siyang kinukumbinse na umalis na habang may oras pa ngunit mas nangibabaw ang pagmamahal ni Annie sa kanyang pamilya. Isasakripisyo niya ang buong buhay niya para lamang sa kagustuhan ng ama na mapanatili ang yaman at pangalan ng pamilya"
"Tandang-tanda ko pa ang mga sinabi niya sa akin noon na h'wag akong umiyak dahil lahat ng mga nangyayari sa buhay ng isang tao ay may pahintulot daw iyon mula sa Diyos"
"Señorita, baka po ay hinahanap na tayo sa mansion. Kailangan na po nating makabalik"
"Paalam, Icko. Kailangan na naming umalis"
"Paalam. Sana ay magkita tayong muli, Annie"
"Hanggang sa hindi inaasahang tagpo ay nakilala ni Annie si Icko. Alam kong umiibig na siya sa binatang 'yon kahit pa sandali pa lamang silang nagkakakilala. Kitang-kita iyon sa kanyang mga ngiti"
"Anong nangyayari, Daniel?"
"Ang magaling ninyong anak ay nakikitagpuan pa sa isang lalaki"
"Totoo ba ito?"
"Hh..indi po papa. Hindi po iyon totoo. Kaibigan ko lamang si Icko. Ngakakamali ka sa iyong iniisip Daniel!"
"Gagawin mo pa akong sinungaling?!Kaya pala hindi ka nakipagkita sa akin dahil nakipagtagpo ka sa hayop na 'yon!"
"Hanggang isang araw ay nahuli ni Daniel si Annie na kasama si Icko. Masama ang ugali ng lalaking iyon at hindi siya nararapat para kay Annie. Pagkapasok sa Mansion ay ibinalibag niya ito sa harap naming lahat. Awang-awa ako sa amo sapagkat alam kong wala siya, silang ginagawang masama ni Icko"
"Mananatili ka sa iyong silid hanggang dumating ang araw ng iyong kasal. Hindi ka maaring lumabas ng wala ang aking pahintulot. Hahatiran ka na lamang ng pagkain ni Piling. Naiintindihan mo ba?!"
"Carlos! Hindi mo ito maaaring gawin sa kanya. Maawa ka. Ginagawa niya ang lahat para sa pamilyang ito"
"H'wag kang makialam dito Sita. Hindi ko pinalaking suwail ang anak ko!"
"Oo Papa. Hindi po ba iyon naman ang tungkulin ko sa pamilyang ito, ang sumunod at ipambayad lamang sa mga pinagkakautangan ninyo?"
"Walang hiya!"
BINABASA MO ANG
Plumeria [COMPLETED]
RomansaAng totoong pag-ibig ay maihahalintulad sa bulaklak ng Plumeria. Magsisimula sa isang binhi, magkaka-ugat, tutubo ang mga sanga at unti-unting mamumukadkad ang ganda ng bulaklak. Kinakailangan ng malusog na lupa, sapat na sinag ng araw, pagdidilig a...