Kabanata 21

43 30 0
                                    

Kanina pa ako dito sa labas ng kwarto pero hindi pa rin dumadating ang lakas ng loob ko. Kinakabahan ako at nag-uumpisa ng manlamig at magpawis ang mga kamay ko. Napaka-weird talaga. Nakakainis! Bakit ba kasi ganito ang nararamdaman ko? Parang kang tanga, Ellie! Umayos ka nga!

Huminga ako ng malalim. Kaya ko to! Dahan-dahan kong pinihit ang seradora ng pinto.

Agad na tumabad sa akin ang mga ngiti ni Francis. Lumapit siya sa akin at pinapasok ako sa loob ng kwarto ni Lolo.

"Ellie, pasok ka. Halika. Gising ang Lolo" tumango lamang ako sa kanya. Napatingin ako sa kamay kong hawak-hawak na ni Francis.

Hindi pa rin ako tumitingin kay Lolo pero ramdam kong nakatingin siya sa akin. Para akong bata na kabit-kabit ng kanyang tatay dahil nakayuko ako. Siguro ay nahihiya ako dahil sa nangyari. Ayan na naman ang kabog ng dibdib ko. Kung hindi lang siguro nasa loob ang puso ko ay siguradong parang isang drum na nakakabingi ito.

Unti-unti kong iniangat ang tingin ko. Kinakabahan man pero kailangan ko tong gawin. Nagtama ang mga mata namin at hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Bigla na lang tumulo ang mga luhang kanina ko pa ring pinipigilan. Pinisil ni Francis ang palad ko tsaka ito binitawan. Naghahalo-halo na ang nararamdaman ng dibdib ko.

Hinawakan niya ang kamay ko. Ramdam na ramdam ko ang init ng mga palad niya. Agad akong napayakap sa kanya.

Dahil sa kanya ay buhay ako pero dahil naman sa akin kaya siya nandito. Hinihimas niya ang buhok at likod ko. Pinapatahan at pinapakalma.

"H'wag ka ng umiyak" sambit niya sa akin.
Kumalas ako sa pagkakayakap pero patuloy pa rin sa pagbagsak ng mga luha ko.
"Salamat dahil walang masamang nangyari sayo"
"A..ako po ang dapat magpasalamat sa inyo" huminga ako ng malalim at pinahid ang luhang bumagsak.
"Dahil niligtas po ninyo ako"
Seryoso siyang nakatingin sa akin habang hawak-hawak ang kamay ko.
"Wala kang dapat ipagpasalamat dahil ako ang iniligtas mo" sumilay ang ngiti sa kanyang labi. Hindi ko man maintindihan ang mga sinabi niya pero masaya ako. Masayang-masaya ako.

"Ano ang buong pangalan mo, Iha?" tanong sa akin ni Lolo na kanina pang nakatingin sa akin. Nandito pa rin ako dahil may konting salo-salong inihanda ang Nanay ni Francis dahil na rin sa pagbuti ng kalagayan nito.

"Mary Elliannie Collado po"

"Napakaganda ng iyong pangalan"

"Salamat po" ngimiti akong nahihiya.
"Ellie, ang Papá naman ay Francisco Neric, Icko for short. Sa kanya rin kinuha ang pangalan ng Kuya Dos at ni Francis" tumango ako at napatingin kay Francis na nag pogi points at kumindat pa sa akin. Ano kaya 'yon?

"Kaya sabi ko sayo, Ellie na mga gwapo talaga kami" pinabayaan ko na lang si Francis na magsalita. Bahala ka dyan.

"Si Lolo Icko po pala ang ninuno ng mga pangalan nila" at nagtawanan kami.

"Ako naman ay Marybelle, kinuha sa pangalan ng Mamá" dagdag na kwento ng Nanay ni Francis.

"Taga-dito ba kayo, Ellie or nagbabakasyon lang?"

"Ang Lola at Lolo ko po ay taga-dito sa Calle Buen. Tumira rin po kami dito. Pero 'nong mga 9 years old na po ako ay umalis na kami dito at sa Manila na po tumira"

Napansin ko rin na ngayon lamang kami nagka-usap-usap ng ganito. 'Yong kinikilala ang family background. Napakagaan kasama ang pamilya ni Francis. Hindi ako nakakaramdam ng ilang o ano pa man.

"Ellie"

Agad akong napatingin kay Lolo Icko.

"Halika dito, Iha" Lumapit agad ako sa kanya at umupo sa kama.

Plumeria [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon