Kabanata 4

125 102 1
                                    

"Ate Marcel! Saan ka ba galing kagabi? Anong oras ka naka-uwi?" pababa ako ng hagdaan ng makitang naka-upo sa sala si Ate at umiinom ng kape.

"Ano ka ba naman Ellie! Si Mommy ka ba? Nagliwaliw lang ako kung saan!" saad nito sa akin

"At tsaka Sis, ayoko naman na maburyo ako dito sa lumang mansion habang pinagmamasdan ang mga gagamba! Ano ba?!" sabay kuha ng dyaryo sa kanyang harapan.

"Oo nga ate. I get it. Nag-alala lang ako sa'yo dahil iniwan kita kahapon" umupo ako sa tabi niya.

Dumating si Nanay Felly at inilipag ang juice at tinapay sa harap namin.

"Ateeeeeeeeeeeeeee! I wanna go home! Wala akong ginagawa dito." Busangot na mukha ni Abby ang inilabas ng kanyang kwarto.

"You know what, Abby you can visit the bundok there. Magtanim ka ng mga halaman, di ba hilig mo 'yon? Pagandahin mo yung bakuran. Yan para may gawin ka!" kumbinsi ni Ate sa kanya.

"Kaya nga, Abby. Dapat kasi ang dinala mo ay mga libro. Hindi ang mga gadgets mo!" kinuha ko ang tinapay saka kinagat ito.

"I thought kasi makakapagpost ako ng pictures sa instagram account ko. So that's why I brought all my gadgets here!" arteng sagot nito sa amin.

"Oh ayan si Eduard! Eduard, can you please accompany our little sister na pumunta sa kung saan? Pasyal gano'n. Hindi kasi yan lumalabas at nagrereklamo ng walang ginagawa" pagdidiin na sambit ni Ate sa huling sinabi at saka tumitig habang ngumingisi kay Abby.

"Oo nga, Iho. Sige na. Ipasyal mo naman itong si Abby ng makalanghap ng sariwang hangin" dagdag ni Nanay Felly.

"Ahh.. Ehh. Ano kasi Ate.." hindi alam na sasabihin ni Eduard na panay ang palipat-lipat ng tingin sa amin pero hindi makatingin kay Abby nang diretso.

"Sige na Eduard. Para naman makilala niyo ang isa't-isa" tukso ko sa kanilang dalawa.

"Kung okay lang po sa kanya, Ate" sabay kamot sa batok nito. Actually, gwapo naman itong si Eduard pero kulang lang sa ayos.

"AYOKO OKAY! AYOKO!" tumayo si Abby at pumanhik ulit sa kanyang kwarto na nagdadabog.

Napatawa kami ni Ate at napa-apir pa sa isa't-isa dahil sa ginawa ni Abby. Pikon na pikon. Halatang-halata.

"Hayaan mo na Eduard. Susuko rin 'yon" saad ni Ate na patawa-tawa. Wala na rin nagawa si Eduard at kibit balikat na lamang ang naging reaksyon.

"Kayo talagang mga bata kayo. Oh sya sya" sabay punta ni Nanay Felly sa kusina.

Ala-una ng hapon ng magpasya akong pumunta sa ospital para bisitahin si Lolo. Bumili na rin ako ng mga prutas.

Kumatok ako ng dahan-dahan at pumasok sa loob ng kwarto. Naabutan kong naka-upo si Francis at tumayo ito papunta sa akin. Nakita ko rin ang babaeng nasa mid 40's na ata. Baka Nanay niya ito.

"Magandang hapon po." Bati ko sa kanila. Iniabot ko ang mga dala ko kay Francis.

"Thank you, Ellie. Nag-abala ka pa"

"Kumusta si Lolo?" tanong ko agad kay Francis.

"Halika pasok ka muna. Sa ngayon ay unconscious pa rin ang Lolo." Balita nito sa akin.

"And by the way Ellie, this is my Mama Merly" tumingin ako at nagbigay galang.

"Hello po" ngumiti lamang siya sa akin.

"Galing Manila kaya medyo pagod pa" paliwanag sa akin ni Francis.

Ilang minuto ang nakalipas tumayo ang Nanay niya. Lumapit siya sa akin at tumabi.

Plumeria [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon