Lumapit ako doon at iniangat ang isang picture.
"Ellie!" napatingin ako kay Francis na todo ang ngiti sa akin.
Ibinaba ko ang picture frame niya.
"I didn't expect na pupunta ka" ani nito at lumapit sa akin.
"Upo muna tayo. Buti at hindi ka naligaw" inilapag niya ang dalang juice at tinapay sa center table.
"Nagpahatid ako sa tricycle. Buti at alam kung papaano makakarating dito sa inyo" sagot ko sa kanya.
"Sabi nga sa akin ni Nana Ester na may naghahanap sa akin. Galing kasi ako sa likod ng bahay" tumango ako.
"Alam mo, hindi mo kamukha ang Lolo mo" ngayon ko lang din napansin. Pagkakita ko sa mga pictures niya, kahit anggulo ay wala.
"Iba kasi ang pagka pogi namin ni Lolo" sabay kindat.
"Ang hangin! Whooo!" akto ko na pinapaypay ang mga kamay. Napatawa na lang kaming dalawa.
"Pero teka, bakit ka pumunta dito? Sana ay tinawagan mo na lang ako para ako na mismo ang pupunta sayo" nagkatitigan kami saglit ni Francis. Bigla akong nahiya.
"Ahh 'yon ba? Nabagot kasi ako bigla tapos naalala ko na hiningi ko yung address mo, diba?" tumango siya.
"Kaya naisipan kong puntahan ka. At tsaka para makakita rin ng bago. Puro na lang ako sa mansion eh" dagdag ko. Hindi naman siguro ako nagtutunog na nagpapalusot? Naku, Ellie, baka kung ano ang isipin niya!
Ngumiti ito ng nakakaloko.
"Namimiss mo, siguro ako noh?" pang-aasar nito sa akin. Yan na nga ba ang sinasabi ko, Ellie!
Tumayo ako.
"Grabe! Hindi ko na talaga kinakaya ang hangin dito sa loob. Mukhang ipo-ipo na kasi" nagpogi points sign siya sa akin sabay kindat na naman. Parang biglang nawala ang hangin sa baga ko dahil sa ginawa niya. Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko. I just smiled awkwardly.
Tumawa ito at tumayo na rin.
"Kumain ka na ba? Halika at sabay na tayo" sumunod ako sa kanya papuntang dining area.
"Upo ka, Ellie" pina-upo niya ako tulad ng ginagawa ng mga lalaki kapag nagdedate sila ng babaeng gusto nila sa isang mamahaling restaurant. H'wag mong isipin na isa itong date, Ellie. Tumigil ka.
Lumapit ako at umupo.
"Uh S..salamat" nahihiyang sambit ko.
Pumasok si Aling Ester sa loob. Mukhang siya na ang maghahanda ng pagkain.
"Nana, ako na lang po" boluntaryo ni Francis.
"Sige at maiwan ko na muna kayo rito" paalam ng matanda sa amin.
Naglagay siya ng dalawang plato, kutsara, tinidor at baso. Inilapag na rin niya ang kanin at sinigang. Amoy palang ay napakasarap na. Nakaramdam bigla ako ng gutom.
Umupo na ito sa harap ko.
"Ikaw ang nagluto?" tanong ko habang nilalagyan niya ng kanin ang plato ko.
Tumango siya.
"Tama na. Tama na yan. Ang dami na" pigil ko sa kanya dahil ang dami ng nilagay niyang kanin sa plato ko. Hindi ko na ito mauubos.
"Konti lang yan, Ellie. Sige, kain ka na" ngumiti ito sa akin at inilapit ang sinigang. Nagsimula na rin siyang maglagay ng pagkain sa plato niya.
BINABASA MO ANG
Plumeria [COMPLETED]
RomanceAng totoong pag-ibig ay maihahalintulad sa bulaklak ng Plumeria. Magsisimula sa isang binhi, magkaka-ugat, tutubo ang mga sanga at unti-unting mamumukadkad ang ganda ng bulaklak. Kinakailangan ng malusog na lupa, sapat na sinag ng araw, pagdidilig a...