Calle Buen
Mayo 25, 1956
Alas-dos ng hapon
"Napaka-ganda niyo po talaga, Señorita Annie. Hindi na po kailangan ang mga kolorete sa mukha"
"Kailangan ang mga 'yan, Belle"
Upang maitago ang totoong nararamdaman ko. Kahit man lamang sa mukha ay lumabas akong masaya.
"May problema po ba?" tanong niya habang inilalagay ang belo sa aking ulo.
"Parang malungkot po kayo"
"H..indi. Masaya ako"
"Ganyan po talaga sa una. Tipong ngayon niyo pa lamang napagtanto na ikakasal na kayo sa taong mahal na mahal ninyo" puno ng kislap ang kanyang mga mata.
"Hindi po ba, Señorita"
"Ahh, Oo, Belle. Tama ka" sumang-ayon na lamang ako dahil ayokong putulin ang paniniwala niya na ang kasal ay pinagbibigkas lamang ng mga taong totoong nagmamahalan.
Nakakalungkot man isipin ngunit nagkakamali siya.
"Belle, maaari ba akong magtanong sayo?"
"Opo. Ano po ba 'yon?" tumingin siya sa akin sa salamin dahil nasa likod ko siya. Inilalagay ang barretteng napili ko.
"Paano mo nasasabi ang lahat ng 'yan?"
"Alin pong lahat ng'yan, Señorita?" kumunoot ang noo nito.
"Ang tungkol sa pag-ibig. Hindi ba wala ka pang nobyo?"
"Ahh. Señorita, hindi po kailangan ng nobyo upang masabi ko ang lahat ng 'yan tungkol sa
pag-ibig" tiningnan ko lamang siya. Naghihintay ng mga sasabihin.
"Sabi po sa bibliya, ang pag-ibig ay matiyaga at mabait. Ang pag-ibig ay hindi naiinggit. Ang pag-ibig ay hindi nagmamapuri o nagmamataas. Ito ay hindi nag-uugali ng di-nararapat, hindi ito naghahangad ng sariling kapakinabangan, hindi madaling magalit at hindi nag-iisip ng masama"
"Ang pag-ibig po ay handog mula sa Diyos at wala po 'yong katapusan. May mga pagkakataon pong sinisisi natin ang pag-ibig dahil sa mga nangyayaring hindi kanais-nais sa ating buhay"
Natulala ako dahil sa sinabi ni Belle. Biglang sumagi sa isip ko ang mga nabitawan kong salita noon.
"Sana ay hindi na lamang ako sayo umibig upang hindi ko ito nararanasan. Tulungan mo akong limutin ka dahil kapag nagkataon ay paparusahan ko lamang ang buong buhay ko"
"Ngunit ang totoo po, ang pag-ibig ang sagot at lunas sa lahat ng ating nararamdaman" ngumiti siya sa akin at tumango ako.
Alos dos y medya pa lang ay nandito na ako sa simbahan. Napa-aga ata ako. Okay lang. Dito na muna ako sa loob. Napaka-init sa labas. Buti at may dala akong peach dress na hanggang tuhod at hindi gaanong kainit na tela. Mamaya ay magsisi-datingan na rin naman ang mga tao. Inaayos na rin naman ang loob ng simbahan. Naglagay na ng dalawang upuan sa harap ng altar, nilalagyan na nang red carpet ang sahig at bulaklak naman sa pasilyo. Tumayo ako para tingnan ang dekorasyon sa entrance. Ang arko ay napapalibutan ng mga naggagandahang kulay rosas na bougainvillea. Kinuha ko ang cellphone ko at pinicturan ang buong simbahan. Ang ganda.
Ayan at may nagsisi-datinganan nang abay at bisita. Royal blue pala ang motif ng kasal.
Bigla akong nakaramdam ng hiya dahil ako lang pala ang walang kasama at ang bride lang ang kakilala. God, Ellie!
BINABASA MO ANG
Plumeria [COMPLETED]
RomanceAng totoong pag-ibig ay maihahalintulad sa bulaklak ng Plumeria. Magsisimula sa isang binhi, magkaka-ugat, tutubo ang mga sanga at unti-unting mamumukadkad ang ganda ng bulaklak. Kinakailangan ng malusog na lupa, sapat na sinag ng araw, pagdidilig a...