Kabanata 30

78 31 1
                                    

"Ate Ellie! Halika po dito bilis!"

"Ano ba 'yon, Abby?"

"Lumapit na po kayo dito. Dali na!"

"Ano ba kas"

"Wow!" Agad akong napatakip ng mga kamay sa mukha. Ang ganda!

"Tumubo na po ang mga Plumeriang itinanim natin"

"Ang ganda, Abby! Ang galing mo talaga!"

"Thank you, Ate! Punong-puno po ng mga bulaklak"

"Nabuhay sila at dumami pa lalo" Hinawakan ko ang mga bulaklak na bagong bukadkad pa lamang.

"Dahil naitanim sila sa malusog na lupa, naalagaan nang tama at nabigyan ng atensyon, mga Iha"

Napalingon kami sa gawi ni Nanay Felly! Patakbo kaming lumapit sa kanya ni Abby at yinakap siya ng mahigpit.

"Nanay! Kumusta po kayo?

"Kayo po ang nag-alaga ng mga halaman?"

"Maayos naman kami dito, Ellie. Oo, apo, napansin kong muling tumubo ang mga ito dito sa bakuran kung kaya't inalagaan ko ng mabuti"

"Salamat po, Nanay!"

"Walang anuman mga Iha. Halina muna kayo sa loob ng Mansion para makapagmeryenda"

Muli kaming bumalik dito sa Calle Buen dahil ika-apat na pung araw ng pagkamatay ni Lolo Icko. Marami man ang nagbago ngunit ganoon pa rin naman. Mananatili ang pag-ibig sa aming mga puso. Si Eduard at Abby ay naging maganda ang takbo ng relasyon. Si Ate Marcel na kumukuha ng kursong abogasya. Mag-aaral na lamang daw siya habang buhay kaysa ang magkaroon ng kasintahan. Nagulat nga ako eh. Hindi siya gano'n. Pero hinayaan na lamang namin at sinuportahan. Si Nanay Felly naman ay alam kong panatag na ang kalooban. Himingi na nang kapatawaran sa mga pagkakamaling nagawa noon at alam kong pinatawad na siya ni Lola Annie.

"Francis, iihi muna ako saglit"

"Sige, Ellie. Samahan na kita"

"At bakit?"Pinandilatan ko siya.

"Ahh, ehh baka hindi mo alam ang CR dito sa bahay"

"Alam ko! Dyan ka na nga!" Tumayo na ako at iniwan na siya. Nandito kasi kami sa labas ng kanilang bakuran. Nag-uusap-usap. Lalaking 'yon. Naku!

"Ellie!" Tawag niya at hindi ko na pinansin. Bahala ka dyan!

Nandito na kami ngayon sa kanilang bahay. May kaonting salu-salo dito at may padasal. Nandito rin ang mga iba nilang kamag-anak. Si Tito Dos ay umuwi na rin galing ng America kasama ang buong pamilya.

Naabutan ko si Tita Merly sa may harap ng lamesa, hawak-hawak ang isang litrato. Lumapit ako sa kanya.

"Tita? Umiiyak po ba kayo?"

"A..no, hin..di, Ellie" Sabay pahid niya sa mga luha. Hinawakan ko siya sa likod upang pakalmahin. Niyaya ko rin muna siyang umupo sa sofa.

"Namimiss niyo po ba si Lolo Icko kaya kayo umiiyak?" Inosenteng tanong ko sa kanya.

"Oo, Ellie"

"Ako rin po"

"Pe..ro hin..di ako umiiyak dahil doon, Iha" Napalingon ako sa kanya. Muli na naman siyang umiiyak.

"Bakit po? May nangyari po ba"

"May kasa..lanan ako sa Papá"

"Napatawad na po kayo ni Lolo. H'wag na po kayong umiyak" Alo ko sa kanya.

Iniabot niya sa akin ang isang litrato. Kinuha ko naman iyon at tiningnan.

"Si Francis po ito 'nong bata pa" Agad naman siyang tumango.

"Am..pon ko lamang si Francis, Iha" Sunod-sunod na ang bagsak ng kanyang mga luha. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya. Akala ko ay tapos na ang mga ganitong rebelasyon. May pahabol pa pala.

"Ti..ta"

"Nakuha ko siya sa isang Mall noong siyam na taong gulang pa lamang siya" Patuloy siyang umiiyak ng tahimik.

"Ang sabi niya ay galing daw silang probinsya ng tatay niya at ipinapasyal siya doon. Nagpaalam daw ang tatay niyang magsi-CR lang pero hindi na daw siya binalikan"

"Umiiyak na siya noon, Ellie. Awang-awa ako sa bata. Bigla ring pumasok sa isip ko na kunin siya dahil wala rin naman akong pamilya at asawa"

Nakikinig lamang ako sa mga ibinubunyag niya sa akin. Pakonti-konting pinoproseso ang nalalaman.

"Hin..di ko nagawang sabihin sa Papá ang tunay niyang pagkatao, Ellie. Na.. Na galing rin pala talaga si Francis dito sa probinsya ng Calle Buen"

Ibinaliktad niya ang litratong hawak ko.

"Pinalitan ko ang pangalan niya at isinunod 'yon kay Papá" Hindi ako makapaniwala sa nababasa ko.

"Dalawa ang naging anak nila. Si Mama Merly at Tito Dos. Tito Dos kasi The Second siya. Nasa States naman sila ngayon" patango-tango lang ako kay Francis. Ayoko na rin magtanong dahil baka isipin niya na masyado akong interesado sa kanila. Buti na lang kamo dahil siya na mismo ang nagsasabi, diba, Ellie?

Ngayon ko rin napagtanto ang lahat. Bakit hindi ko man lamang napansin na ang gamit na apelyido ni Francis ay apelyido ng Nanay niya at hindi sa tatay niyang inaakala ko?

Napalingon ako kay Francis na nakangiti sa akin. Naginginig ang mga labi ko ng basahin ang nakasulat.

"Daniel Hidalgo III"

-Wakas-

Plumeria [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon