"Riiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiing! Riiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiing! Riiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiing!" Pinahid ko ang luhang dumaloy sa pisngi ko. May tumatawag. Kailangan kong sagutin iyon. Umalis ako doon at pumunta sa kwarto ko. Pinabayaan silang lahat.
Agad kong dinampot ang cellphone sa kama ko at nakitang tumatawag si Francis. Alas dose na ng hatingggabi. Bakit siya napatawag?
"Hello, Francis. Bakit ka napata?"
"El..lie ang Lolo" Kumalabog agad ang puso ko.
"A..nong nangyari, Francis?"
"Hello, Francis? Francis?"
"Anong nangyari kay Lolo?"
"Francis!"
Wala akong marinig at bigla nang naputol ang linya.Bakit ba kasi napakahina ng signal sa mansion na toh!
Tinawagan ko ulit ang numero niya pero hindi ko na siya matawagan. Ano ba ang nangyayari at nagkakasabay-sabay lahat ng to!
Agad kong kinuha ang bag na naihanda ko kanina. Kung anu-ano na ang pumapasok sa isip ko. Natatakot sa pwedeng mangyari. Paano kung? Tumigil ka, Ellie! Hindi ka nakakatulong. Natataranta na ako sa mga nangyayari pero pilit kong kinakalma ang sarili. Huminga ako ng malalim.Walang oras na dapat masayang. Nagmamadali akong lumabas ng kwarto. Nandoon pa rin silang lahat.
"Ellie, saan ka pupunta?"
"Ellie!"
"Ate Ellie, ano ba ang nangyayari sayo?"
"Kailangan kong sumama sa iyo" Hinawakan ni Nanay Felly ang braso ko. Tiningnan ko lamang siya.
"Eduard, magmadali ka! Ihanda mo ang sasakyan" agad naman na sumunod si Eduard sa utos ng matanda.
Lahat kami ay bumaba na mula sa itaas ng Mansion. Nakahanda na ang sasakyan at agad kaming pumasok roon.
Mababaliw na yata ako sa mga nangyayari. Gustong-gusto ko nang paliparin ang sinasakyan namin upang makarating na doon kina Francis.
"Eduard, bilisan mo! bilisan mo, please" pagmamaka-awa ko. Oras ang kalaban namin. Pati ang utak ko ay nakikisabay pa.
Sinusubukan ko pa rin tawagan ang numero ni Francis pero wala talaga.
Hinawakan ako sa kamay ni Ate Marcel at pinisil niya iyon. Wala na akong nagawa at napahagugol na sa iyak habang yakap-yakap niya ako.
Sa buong buhay ko ay ngayon lang ako umiyak ng ganito. Nasasaktan ako kahit hindi ako ang nasa sitwasyon nila lalong-lalo na sa pwesto ni Annie. Tanging ang bagay na lamang na ito ang maitutulong ko sa kanila pero baka hindi ko pa iyon magawa.
Tumahan na ako sa pag-iyak. Malapit na kami sa bahay nila. Inihanda ko na ang sarili sa kung ano man ang mangyayari.
Agad kaming sinalubong ni Francis.
"E..llie"
"Anong nangyari, Francis? Kumusta ang Lolo?" Tinitigan niya lamang ako at hindi nagsasalita. Agad akong dumiretso sa kwarto ni Lolo at iniwan na siya doon. Ramdam ko rin na nakasunod sa akin ang mga kasama.
Pagtapak sa pinto ng kanyang kwarto, sinalubong ako ng mugtong mata ni Tita Merly, hawak ang kamay nang Lolo. Dahan-dahan kong ibinaba ang tingin.
"Ellie, wa..la na ang Papà"
Parang huminto ang lahat. Ang oras na hinahabol ko, ang sagot na hinihintay niya at katotohanan na dapat malaman nila ay parang wala na rin silbi at katuturan.
BINABASA MO ANG
Plumeria [COMPLETED]
RomanceAng totoong pag-ibig ay maihahalintulad sa bulaklak ng Plumeria. Magsisimula sa isang binhi, magkaka-ugat, tutubo ang mga sanga at unti-unting mamumukadkad ang ganda ng bulaklak. Kinakailangan ng malusog na lupa, sapat na sinag ng araw, pagdidilig a...