Calle Buen
Mayo 21, 1956
Ala-sais ng hapon
Magmula noong pumayag ako na sumama kay Daniel na magpakuha ng litrato para sa kasal ay hindi na ako muling kinulong ni Papá sa aking silid. Humingi rin siya sa akin ng tawad dahil sa mga nagawa at nasabi niyang masasakit na salita. Sino ba naman ako para hindi magpatawad? Balibaliktarin man ang mundo, dugo at laman pa rin niya ang nanalaytay sa katawan ko. Nagtiwala na rin siya sa akin na matutuloy ang kasal at lubos siyang nagpapasalamat dahil sa gagawin kong ito para sa aming pamilya.
Napakasakit pa rin para sa akin ang mga nangyari. May mga pagkakataon na parang wala ako sa sarili. Natutulala, hindi maka-usap ng maayos at biglang iiyak na lamang sa gilid. Bawat nagdaang panahon at oras ay hinihiling kong sana ay magkita kaming muli. Ngunit napaka-imposible ng gusto kong mangyari. Libo-libong milya ang layo namin sa isa't-isa. Iba ang takbo ng oras sa lugar na iyon. Magkasalungat ang araw at gabi namin ngunit hinding-hindi ang pag-ibig ko para sa kanya.
Umupo ako sa tapat ng piyano. Tinitigan ko muna ito sandali. Huminga ako nang malalim. Tinipa ang unang teklado ng paboritong kanta at tsaka inawit ito nang malumanay.
"Ikaw lamang ang pangakong mahalin
Sa sumpang sa iyo magpakailan pa man
Yakapin mong bawat sandali
Ang buhay kong sumpang sa'yo lamang alay
At mapapawi ang takot sa 'kin
Pangakong walang hangganIkaw lamang ang pangakong susundin
Sa takbo sakdal
Liwanagan ang daan
Yakapin mong bawat sandali
Ang buhay kong sumpang sa'yo lamang alay
At mapapawi ang takot sa akin
Pagkat taglay lakas mong angkinIkaw ang siyang pag-ibig ko
Asahan mo ang katapatan ko
Kahit ang puso ko'y nalulumbay
Mananatiling ikaw pa rin""Señorita?"
Inihinto ko ang pagtugtog at pagkanta. Tumingin ako kay Piling.
"Ano 'yon, Piling?"
"Nasa ibaba po si Señor Daniel. Hinahanap po kayo"
"Sige at bababa na ako"
"Ikaw lamang ang pangakong mahalin
Sa sumpang sa iyo magpakailan pa man
Yakapin mong bawat sandali (yakapin mong)
Ang buhay kong sumpang sa'yo lamang alay
At mapapawi ang takot sa 'kin
Pangakong walang hangganAt mapapawi ang takot sa akin
Pagkat taglay lakas mong angkin""Ellie?"
"Bakit po Nanay Felly?"
"Nasa baba si Francis. Hinahanap ka"
"Okay po"
Bumababa na ako papunta sa sala. Naabutan ko siyang naka-upo at patingin-tingin sa paligid.
"Daniel"
"Francis"
Lumapit agad siya sa akin.
"I have a good news for you, Ellie"
Pumunta agad kami sa ospital. Tumawag daw kasi ang Mama Merly ni Francis sa kanya. Biglang naalala ko ang panaginip ko kagabi. Sign ba 'yon na malapit ng gumising ang Lolo? Bigla akong natuwa pero agad namang kinabahan. Weird.
Nakarating na kami. Sinuot muna namin ang hospital gown at tsaka pumasok sa loob ng ICU Room. Naabutan namin ang Nanay ni Francis. Hawak-hawak nito ang kamay ni Lolo.
BINABASA MO ANG
Plumeria [COMPLETED]
RomanceAng totoong pag-ibig ay maihahalintulad sa bulaklak ng Plumeria. Magsisimula sa isang binhi, magkaka-ugat, tutubo ang mga sanga at unti-unting mamumukadkad ang ganda ng bulaklak. Kinakailangan ng malusog na lupa, sapat na sinag ng araw, pagdidilig a...