"Nagkakamali ka, Piling" Napalingon ako sa gawi ni Aling Ester. Pumasok siya sa loob ng kwarto at lumapit sa kama ng Lolo Icko.
"Hinding-hindi magagawang iwan ni Icko si Annie"
"Maria?"
"Maria Ester"
"Ngunit hindi ako magkakamali sa iyong mga sinabi. Tandang-tanda ko pa noong sinabi mong umalis na siya kasama ang kanyang mga magulang"
"Tama ka"
"Hindi mo alam kung ano ang naging epekto ng mga kasinungalingan mo kay Annie! Halos magdamag siyang lumuha, Maria"
"At halos magpakamatay na rin si icko sa mga nangyari at desisyon niya" Pilit na pinoproseso ng utak ko ang mga nalalaman. Buong akala ko ay sapat na ang mga nalaman ko pero nagkamali ako.
"Ang kanyang mga magulang lamang ang pumunta ng Amerika. Hindi siya umalis ng bansa"
"Ano ang ibig mong sabihin?"
"Noong nagpumilit pumasok si Annie dito sa loob ay nasa kusina si Icko at nakita ang pagdating ninyo kaya agad siyang nagtago. Pina-upo ko kaya para tawagin siya at para kumuha ng tsaa para sainyo" Tumango naman ang Nanay Felly sa kwento ni Aling Ester. Lahat kami ay nakatutok sa lahat ng kanyang sasabihin.
"Bago ako lumabas mula sa kusina ay kinumbinse niya akong sabihin sa inyo na wala na siya dito at umalis na kasama ang kanyang mga magulang" Gulat na gulat ang naging tugon ng matandang kausap. Hindi makapaniwala sa mga naririnig.
"Ba..kita niya iyon ginawa?"
"Nalaman ng Ama ni Annie na may maliit na negosyo ng koprahan ang pamilya ni Icko dito sa Calle Buen" Huminga muna siya ng malalim at ipinagpatuloy ang sinasabing kaalaman sa mga nangyari.
"Sa tulong ng pamilya ng nakatakdang ipagkasundo kay Annie ay naipasara nila ito at nabili. Tinakot nila ang pamilya ni Icko na kapag ipinagpatuloy niya pa ang pakikipag-unayan sa babae ay mawawala lahat ng iba nilang naipundar na yaman"
"Kung ano ang ikinabait ng anak siya naman na ikinasama nang ugali ng Ama ni Annie!" Nanggigil na saad ni Ate Marcel.
"Walang nagawa ang mga magulang ni Icko kundi sundin pa ang utos ng Ama ni Annie na pumunta sila ng Amerika sa lalong madaling panahon at doon magsimulang muli. Kung hindi sila susunod ay wala na silang babalikan na lugar dito sa Calle Buen"
"Yan ang naging paliwanag sa akin ni Icko ng umalis kayo noong gabing iyon dito sa bahay. Hindi siya umalis. Nilabag niya ang utos ng Ama ni Annie na pumunta agad sa Amerika dahil gusto niyang makita ang pinakamamahal niyang babae na ikakasal sa ibang lalaki"
"Naroroon siya? Ba..kit hindi siya lumapit? Ba..kit?"
"Dahil inisip niyang hindi magiging maganda ang buhay ni Annie kung siya ang makakatuluyan nito. Hindi sila magkakaroon ng tahimik na buhay dahil mismong ang panahon, oras at sitwasyon ang naghihiwalay sa kanila"
"Nagsisisi siya sa kanyang mga naging desisyon. Nagtanong at naghanap ng kasagutan. Ngunit sa huli ay masasagot pa rin ang kanyang mga katanungan"
"Pagkatapos ng kasal ni Annie ay agad naman na sumunod si Icko sa kanyang mga magulang patungong Amerika. Doon niya nakilala ang kanyang napangasawa na si Lanibelle"
"Si Belle?"
"Oo, Piling. Ang naging tagapamahala sa kasal ni Annie"
"Napakaliit ng mundo" Komento ni Ate Marcel. Pati ako ay napatango na rin.
BINABASA MO ANG
Plumeria [COMPLETED]
RomanceAng totoong pag-ibig ay maihahalintulad sa bulaklak ng Plumeria. Magsisimula sa isang binhi, magkaka-ugat, tutubo ang mga sanga at unti-unting mamumukadkad ang ganda ng bulaklak. Kinakailangan ng malusog na lupa, sapat na sinag ng araw, pagdidilig a...