Kabanata 22

40 27 0
                                    

Calle Buen

Mayo 27, 1956

Alas-dos y medya ng hapon

Mabuti na lamang dahil hindi pa nakakabalik ng Mansion ang asawa ko. May pagkakataon pa akong sumipot sa pinagkasunduan namin ni Ellie. Hindi ko na rin isinama si Piling upang huwag na siyang madamay kung sakaling makita ako dito ni Daniel. Ngunit alam naman niyang dito ang punta ko sa simbahan ng San Agustin.

Hindi pa rin ako makapaniwala na pumunta raw siya dito upang masaksihan ang kasal ko. Ngunit wala talagang Ellie na lumapit sa akin. Nakakapagtaka. Kaya ngayon ay inagahan ko na ang pagpunta upang sabihin na tumutupad ako sa usapan.

Dala-dala ko rin ang regalo ko para sa kanya.Ni hindi man lamang niya sa akin nabanggit na iisang petsa ang kasal namin at kaarawan niya. Tiningnan ko ang suot na relo. Malapit ng mag-alas tres ngunit wala pa siya. Lumuhod muna ako upang makapagdasal.

Sinadya kong alas-tres talagang pumunta para hindi na ako maghintay pa ng masyado kay Annie. Pumasok ako sa simbahan at may naabutan akong isang babaeng nagdadasal. Agad akong lumapit dito at hinawakan ang balikat niya.

"Annie"

"Ellie"

"Piling!"

"Nanay Felly!"

"A..nong?"

Agad niyang hinila ang braso ko.

"Señorita! Nasa Mansion na po ang inyong asawa at hinahanap po kayo sa akin kaya agad po akong napasugod dito sa simbahan"

"Ngunit, sandali lamang, Piling. Kailangan kong hintayin ang kaibigan ko. May usapan kami"

"Señorita, lasing pong dumating si Señor Daniel, nagwawala po siya at hinahanap po kayo sa akin. Hindi ko po nanaisin na mas lumala pa ang sitwasyon ng pagsasama ninyo"

"Ellie! Halika na. Umuwi na tayo ng Mansion"

"Ano po ang ginagawa ninyo dito? At Nanay may hinihintay po akong kaibigan"

"Hindi mo ako naiintindihan, Ellie. Kailangan na nating umuwi"

"Bakit po? Hindi ko po talaga kayo maintindihan"

"Basta sumama ka na lang sa akin dahil para ito sa ikakabuti mo!"

Wala na akong nagawa ng hatakin na ako ni Piling palayo ng simbahan. Naghintay naman ako ngunit hindi siya dumating sa usapan.

"Ssaan naman ga..ling ang maga..ling kong asawa? Nakipag..kita ka na na..man ba sa lala..ki mo haaa, Aa..nnie?"

"Lasing ka, Daniel at hindi ako nakipagkita kanino man" mahinahon na tugon ko.

"Ssha tingin mo ba ay ma..niniwala ako sayo? Min..san na kitang nahuli, Annie. Hin..di ko 'yon makaka..limutan"

"At a..no to?" Bigla niyang inagaw sa akin ang regalo ko para kay Ellie. Pilit ko itong inaagaw sa kanya ngunit hindi niya sa akin ito ibinibigay.

"Para sa wal..ang kwentang lalaking 'yon?" Inihulog niya iyon sa lupa at inapak-apakan. Lumuhod ako para pigilan siya at kunin iyon.

"Tama na, Daniel. Hindi ito para kay Icko. Sa kaibigan ko ito. Pakiusap, ta..ma na" Labis ang iyak ko dahil sa ginawa niya. Wala akong ginagawang masama upang tratuhin niya ako ng ganito. Heto ba ang pagmamahal para sa kanya?

Plumeria [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon