"Ellie, heto oh? Pwede na ba to?" Sabay pakita sa akin ni Francis ng isang set ng mga plato at baso.
"Okay lang kaya na ganyan?" kunot noong tanong ko sa kanya.
"Siguro. Diba ganito ang mga ibinibigay sa bagong kasal?" tumango ako bilang sagot sa tanong niya.
"Pero, parang gusto ko 'yong kakaiba" nag-iisip habang kagat-kagat ko na ang kuko ng hintuturo ko.
"Heto oh, kakaiba" napalingon agad ako. Hawak-hawak lang naman niya ang magkapartner na lingerie.
"Seryoso, Francis?" natatawang sabi ko dahil ni hindi man lamang pumasok sa isip ko ang ganyan na regalo.
"Oh ba't ka natatawa? Seryoso ako, Ellie"
"Ibalik mo na yan" naglakad na ako paalis sa tindahan na 'yon. Baka kung ano pa ang makuha niyang iba.
"Eh diba kapag bagong kasal, Aa..no" ani niya habang pakamot-kamot sa batok.
"Ano, aber? Naku! Tumigil ka nga"
Nadito kami sa Centro ng Calle Buen. Naghahanap ng pwedeng ibigay na regalo sa kasal ni Annie. Pero itong kasama ko ay masyadong makulit. Kung anu-ano ang kinikuha at nakikita. Nagpasama kasi ako kay Francis dahil ang mga kapatid ko ay ayaw lumabas ng mansion. Napaka-init daw. Eh mainit naman talaga sa Pilipinas. Ayaw lang talaga akong samahan. Buti na lang dahil pumayag si Francis na samahan ako ngayon.
"Ellie, alam ko na kung ano ang pwedeng mong iregalo"
"Ano, Francis?" excited na excited akong tumingin sa kanya na nakatingin sa malayo. Sinundan ko ang tinitingnan niya at napasapo na lang ako sa noo ko.
"Washing Machine?!"
"Oo! Diba kailangan 'yan sa loob ng bahay"
"Oo, Francis pero 'wag naman sana ganyang kalaki. 'Yong kaya ko lang dalhin"
"Osige. 'Wag na yan" patawa-tawa pang sabi nito.
"Kain muna tayo. Ala-singko na rin pala" anyaya ko sa kanya dahil nagugutom na ako sa kakaikot at dahil wala pa rin kaming makita na pwedeng iregalo. Siguro ay meron pero ayoko ng mga 'yon. Pinapahirapan ko lang talaga ang sarili ko, diba? Naku, Ellie!
"Kumusta ang Lolo?" tanong ko habang kumakain ng spaghetti.
"Okay naman. Stable na ang lagay pero tulad pa rin ng dati. Hindi pa rin gumigising"
"Konting oras pa siguro. Magtiwala lang tayo, Francis" hawak ko sa kamay niyang nakapatong sa lamesa. Nagkatitigan kami sandali at medyo nailang ako. Inalis ko na ang kamay ko ng dahan-dahan.
"Aa..no pa kaya ang pwedeng iregalo bukod sa mga nakita natin?" pag-iiba ko sa topic.
"Ano ba ang nasa isip mo?" sabay kagat niya sa burger na inorder.
"Hindi ko rin alam. Wala akong maisip" Sa totoo lang ay wala akong ideya kung ano dahil alam kong hindi naman talaga mahal ni Annie ang papakasalan niya. Napilitan lamang siya. Kung hindi na lang kaya ako magbigay ng regalo? Pero parang nakakahiya naman.
"May tanong ako, Francis"
"Sige. Ano 'yon?"
"Magpapakasal ka ba sa taong hindi mo mahal?"
"Hindi, Ellie" tumango ako.
"Hindi ko ilalagay sa mas mahirap na sitwasyon ang sarili ko pati ang taong ipapakasal sa akin" nakatingin siya sa mga mata ko nang mariin.
BINABASA MO ANG
Plumeria [COMPLETED]
RomanceAng totoong pag-ibig ay maihahalintulad sa bulaklak ng Plumeria. Magsisimula sa isang binhi, magkaka-ugat, tutubo ang mga sanga at unti-unting mamumukadkad ang ganda ng bulaklak. Kinakailangan ng malusog na lupa, sapat na sinag ng araw, pagdidilig a...