"Okay lang ako Francis. Medyo kumirot lang" hawak ko pa rin ang aking dibdib
"Sige. Maupo ka na lang muna" inalalayan niya akong maka-upo.
"Thank you" ani ko
"Gusto mo ng tubig? Or kahit ano? Ibibili kita" tanong nito sa akin gamit ang mga matang mapupungay.
"Wag na Francis. Suguro ay kailangan ko lang magpahinga. Okay lang ba sayo na umuwi muna ako?" Alam kong okay naman ako kanina. Hindi ko alam kung bakit parang bumigat ang pakiramdaman ko. Ang gusto ko lang ay humiga.
"Oo, Ellie. Ako na ang bahala. Halika at ihahatid na kita" alok nito sa akin habang inaalalayan akong tumayo.
"Hindi. Okay lang. Kaya ko. Tsaka walang magbabantay kay lolo. Wag ka ng mag-alala" tanggi ko sa kanya dahil walang ibang kasama ang lolo. Wala ang kanyang mama Myrna dito sa tabi niya.
"Are you sure na kaya mo? Mabilis lang naman to Ellie" pagpupumilit pa rin niyang ihatid ako.
"H'wag na Francis. Mas kailangan ka ni Lolo. Kaya ko" ngumiti ako sa kanya.
"Tawag ka sa akin pag kailangan mo ako. Sana ay gumaling na ang lolo" saad ko at hinawakan ang kanyang kamay.
"Mag-iingat ka" ani nito sa akin at tumango ako. Tumalikod na ako at naglakad papalayo. Ipinapanalangin na bigyan pa ang matanda ng mahabang buhay.
Alas kuatro y media na ng makarating ako sa mansion. Naabutan kong nagse-cellphone si Ate Marcel sa sala.
"Oh Ellie, saan ka galing?" tanong nito sa akin.
"Sa ospital ate. Dinalaw ko lang si lolo" nasa may hagdan na ako ng lumapit siya sa akin.
"Kumusta siya? Si Francis nagkita kayo?" sunod sunod na tanong nito sa akin.
"Dinala po sa ICU si Lolo. Bumilis daw po kasi ang tibok ng puso. Ate, sana ay umayos na ang lagay ng matanda" saad ko kay Ate Marcel na nakikinig nang mabuti.
"Isasama ko siya sa mga prayers ko, Ellie" hinwakan nito ang aking braso at hinimas.
"Thank you, Ate. Magpapahinga lang po muna ako"
"Sige na" ngumiti ako at tumango.
Hinubad ko ang aking suot na sapatos at diretsong humiga sa aking kama. Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.
Calle Buen
Mayo 15, 1956
Ala Sais ng hapon
Mahigpit ang hawak sa akin ni Daniel sa braso. Pagkapasok sa Mansion ay tila isang papel lamang akong itinapon niya. Patuloy pa rin ako sa paghikbi.
"Anong nangyayari, Daniel?" tanong ng aking Papá habang inaalalayan akong tumayo ni Mamá at ni Piling.
"Ang magaling ninyong anak ay nakikitagpuan pa sa isang lalaki" sagot nito habang itinuturo ako.
"Totoo ba ito?" nanlilisik na mata ang sumalubong sa akin galing kay Papá.
"Hh..indi po Papá. Hindi po iyon totoo. Kaibigan ko lamang si Icko. Ngakakamali ka sa iyong iniisip Daniel!" paliwanang ko sa gitna ng aking hikbi. Hawak hawak pa rin ako ng Mamá.
"Gagawin mo pa akong sinungaling?!Kaya pala hindi ka nakipagkita sa akin dahil nakipagtagpo ka sa hayop na 'yon!" gigil na gigil na saad nito sa akin na nagpipigil lamang na ako'y saktan.
"Daniel, Iho ako na ang bahala rito. Umuwi ka na muna. Ako na ang bahala" mahinahon na tugon ni Papá kay Daniel. Tumango naman ito at sumunod na lamang.
Humarap ang Papá sa akin na napahawak sa kanyang sentido. Tumalikod na ako upang pumunta na sa aking silid ngunit nagsalita siya. Nasa gano'n pa rin akong pwesto habang pinapakinggan ang sasabihin niya.
"Mananatili ka sa iyong silid hanggang dumating ang araw ng iyong kasal. Hindi ka maaring lumabas ng wala ang aking pahintulot. Hahatiran ka na lamang ng pagkain ni Piling. Naiintindihan mo ba?!"
"Carlos! Hindi mo ito maaaring gawin sa kanya. Maawa ka. Ginagawa niya ang lahat para sa pamilyang ito" pagtutol ni Mamá.
"H'wag kang makialam dito, Sita. Hindi ko pinalaking suwail ang anak ko!"
Huminga ako ng malalim at humarap sa kanila.
"Oo Papá. Hindi po ba iyon naman ang tungkulin ko sa pamilyang ito, ang sumunod at ipambayad lamang sa mga pinagkakautangan ninyo?" mariin akong nakatitig sa kanyang mga mata.
"Walang hiya!" lalapat na sana sa aking pisngi ang kanyang sampal ngunit pinigilan siya ni Mamá.
"Carlos!Ano ba! Tumigil ka na!" nagsimula na ring umiyak ang Mamá
"Yan ba ang dulot sa iyo ng lalaki mo? Ang sumagot sa iyong mga magulang?" dugtong ni Papá. Hindi ko na lamang ito pinansin.
Sa buong buhay ko sila ang nagdedesisyon sa akin. Ni minsan ay hindi man lamang ako pinakinggan ng aking Ama. Mas pipiliin niyang unahin ang kapakanan ng pangalan ng pamilyang ito kaysa sa sarili niyang pamilya.
Tuluyan na akong tumalikod at pumanhik sa aking silid. Patuloy ako sa aking pag hikbi dahil sa mga nangyari. Iniisip ko pa rin si Icko hanggang ngayon.
Kung nasa maayos na ba siyang kalagayan? Sino ang tumulong sa kanya? Ang kanyang sugat? Pati siya ay nadamay pa sa gulong ito. Kasalanan mo! Kasalanan mo! Kasalanan mo! Kasalanan mo! Kasalanan mo! Kasalanan mo! Kasalanan mo! Kasalanan mo! Kasalanan mo! Kasalanan mo!
Bigla akong napamulat. Tagaktak ang aking pawis at hinahabol ang aking hininga. Inaalala ang panaginip na 'yon. Napaka-weird. Sino ang babaeng 'yon na nakatingin sa akin at pinagduduldulan na kasalanan ko? Ano ang kasalanan ko?
Umihip ang malamig na hangin mula sa bintana. Napayakap ako sa sarili.
Kasalanan ko ang nangyari kay Lolo. Oo. Kasalanan ko. Kasalanan ko. Hindi ko na napigilan at tumulo na ang mga luha ko. Hindi ko sinasadya ang nangyari. Iyak pa rin ako nang iyak. Dahil sa akin ay may taong nasa bingit ng kamatayan. Napaka-tanga mo, Ellie! Napaka-tanga mo!
Ilang sandali pa ay bumangon ako, umupo sa kama, pinahid ang luha at kinalma ang sarili. Tiningnan ang relo sa tabi ng kama. Alas-onse na ng gabi. Gano'n kahaba ang tulog ko? Bulong ko sa sarili. Napagdesisyunan kong bumaba para uminom ng tubig.
Paglabas ko ng kwarto, nakita agad ng mga mata ko ang telepono. May nag-uudyok sa akin na lapitan ito. Kaya wala na akong nagawa. Iniangat ko ito.
"Hh..ello?"
"Hello?" walang sumasagot. Naghintay pa ako ng ilang segundo.
"Hello?" ulit ko pa rin. Ibinaba ko na ito dahil wala namang sumasagot.
BINABASA MO ANG
Plumeria [COMPLETED]
RomansaAng totoong pag-ibig ay maihahalintulad sa bulaklak ng Plumeria. Magsisimula sa isang binhi, magkaka-ugat, tutubo ang mga sanga at unti-unting mamumukadkad ang ganda ng bulaklak. Kinakailangan ng malusog na lupa, sapat na sinag ng araw, pagdidilig a...