"Sige Ate, dito ka pong banda. Maganda ang ilaw dito" utos ko kay Ate na inaayos ang sarili dahil gusto nitong magpakuha ng litrato sa harap ng San Agustin Church.
"Ang ganda, Ate" sabay lapit nito sa akin at titig sa litrato niya.
"Infairness ang ganda pa rin dito sa Calle Buen, kahit ilang taon na tayong hindi nakakapunta dito. Parang wala pa ring pinagbago" Sumang-ayon ako sa sinabi ni Ate. Walang pinagbago. Gano'n pa rin. Pero siguro syempre ay mayroon din ditong mga konting pagbabago lalo't laganap na ang bagong teknolohiya. Hindi ko lang alam kung ano 'yon.
"Tara Ate! pasok na lang tayo sa simbahan" sabay hila ko sa kanan niyang kamay.
Medyo hindi gano'n karami ang tao sa loob ng simbahan. Mangilan-ngilan lamang ang nagdarasal. Dumiretso agad kami sa may pinagsisindihan ng kandila.
"Ano ba yan, Ellie, ni hindi man lang angkop yung suot ko dito sa loob. Nakakahiya. Pinagtitinginan na tuloy ako" bulong ni Ate sa akin habang inaayos ang suot na sleeveless na damit at maiksing palda.
"Ate, pabayaan mo na sila. Halika na at magdasal ka na lang" sambit ko habang sinisindihan ang kandila.
Pinikit ko ang aking mga mata upang magdasal ng mataimtim. Naramdaman ko na may tumabi sa akin. Pinabayaan ko na lamang ito at nagpatuloy sa ginagawa.
Nang imulat ko ang aking mata ay wala na ang katabi ko.
"Sis, ang gwapo nung lalaking nakatabi mo dyan kanina. Tingnan mo tingnan mo, bilis!" ng tingnan ko ay likod na lamang nito ang naaninag ko.
Balak ko sang hintayin na maubos ang kandilang inilagay ko pero pagtingin ko sa gilid ay may wallet. Agad ko itong kinuha.
"Ate, look at this. Wallet siguro ito 'nong lalaki kanina. Nakalimutan ata" iniaabot at pinakita ko ito kay ate at walang pag-aatubili niya itong binuksan.
"Ate! Hindi natin kailan buksan yan. Akin na!" kuha ko sa kamay niya pero iniiwas niya ito sa akin."Kailan natin tingnan ang loob. Ano ba, Ellie? Paano natin ito maisasauli?" sabay ngiti nito sa akin na parang may ibang iniisip.
"Okay fine" hindi na ako umangal at hinayaan na lamang siya.
"Francisco M. Neric III" banggit ni Ate sa pangalan ng lalaki. Inagaw ko na sa kanya ang wallet at inilagay ito sa bag. Naglakad na kami papalabas ng simbahan
"Eto naman napakadamot. Baka Ellie, siya na ang totoong magpapa-ibig sayo" sabay hampas nito sa bewang ko gamit ang bewang din niya.
"Ano ba ate! Hindi noh. Ibabalik ko na lang ito sa kanyang wallet"
"Paano? ni contact number nga eh wala"
"Basta ate. Bahala na!" inilabas ko ulit ang dalang camera at kinuhanan ko ng picture ang Santang binibihisan. Siguro ay may prusisyon mamaya, punong-puno ng bulaklak ang karo nito.
"Tingnan mo yun oh, ang gwapo!" Napatingin ako sa kanyang itinuturo.
"Oo. Parang anak mo na lang yan." Pagtataray ko sa kanya dahil kung anu-ano ang nakikita. Ipinagpatuloy ko na lamang ang ginagawa ko.
"Yun oh, hindi yung anak! Ano ba, Ellie" tapik nito sa braso ko.
"Oo na ate! Parang tatay mo na lang yan!" tawang-tawa ko sa kanya dahil sa mga pambabara ko.
"Uy, Ellie mukhang lalapit sila sa atin. OMG. Okay ba ang itsura ko? Ano? 'Yong lipstick ko? Buhok ko?" aligagang tanong niya sa akin. Nakita ko rin na talagang papalapit sa kinatatayuan namin ang dalawang lalaki.
Umayos sa pagkakatayo si Ate at ibinaba ang kanyang suot na palda. Mukhang nagpapacute pa ata. Pero bigla na lang siya nitong nilagpasan, ni hindi man lamang siya tiningnan at pumunta sa likod ng Santa at doon nagpapicture.
"Ano ka ngayon, Ate?" sabay tawa ko at alis sa lugar
"Ellie! Ellie!" tawag niya sa akin at pinabayaan na siya. Siguro naman ay makakauwi siya ng mag-isa.
Habang naglalakad ay naisipan kong kunin ang wallet. Gusto kong makita ang laman nito para naman magkaroon ako ng ideya kung paano maisasauli sa may-ari. May laman itong pera, government ID's at 'yon lang. 'Yon lang?
"Ano ba naman to? Alam ko nga ang birthday mo pero hindi naman kita maisas"
Nagulat ako dahil may biglang tumulak sa akin. Nabitawan ko ang wallet pati na ang mga laman nito.
"Uy si lolo! Nasaksak! Bilisan niyo habulin niyo 'yong magnanakaw!"
"Nagkalat na talaga ngayon ang masasamang tao"
Napatingin ako sa mga kumpulang tao. Agad kong pinulot lahat ng nahulog at inilagay ito sa bag. Dali-dali akong pumunta doon at napatingin sa matandang lalaki na duguan ang kanang parte ng tiyan.
"Tabi-tabi. Ako na ang tutulong" agad kong sambit. Binuhat ko ang ulo nito at hinawakan ang palapulsuhan.Nakita kong tumingin siya sa akin.
"Lolo! Kumuha kayo ng sasakyan bilis." Agad agad naman na nakakuha ng masasakyan ang mga tao kaya't naidala agad namin siya sa pinakamalapit na ospital.
Nandito ako sa labas ng emergency room. Hindi ko alam ang gagawin ko. Bigla na lamang akong napa-iyak dahil ako ang may kasalanan kung bakit siya nasasak. Baka makulong pa ako pagnagkataon. Hindi ko muna ito ipapa-alam kay Ate Marcel. Diyos ko. Ang tanga-tanga mo, Ellie! Bakit ba kasi hindi ka nakapaghintay na bulat-latin ang loob ng wallet!
Natawagan na rin ang numero sa loob ng bulsa ng matanda. Hinihintay ko na lamang na dumating ang kamag-anak niya. Magpapaliwanang na lamang ako kung ano ang nangyari. Sana ay mababait ang pamilya ni Lolo at maintinidihan ang nangyari.
May dumating na lalaki. Agad itong pumunta sa may Nurse station. Nakatalikod siya sa akin kaya hindi ko makita ang mukha.
"Francisco Neric po. Nasaan po siya?" itinuro ng Nurse ang ER. Agad-agad itong pumunta sa emergency room pero hindi na siya pinapasok ng nurse doon.
"Francisco Neric, Francisco Neric" bulong ko sa sarili dahil parang narinig ko na ang pangalan niya.
"Tama! Siya ang may-ari ng wallet na to!"
Nilagpasan niya ako ng hindi siya pinapasok sa loob pero hindi siya umalis. Lumapit ako sa kanya para kausapin siya.
"Sir, sayo po ata ang wallet na ito? Nakuha ko po ito sa loob ng San Agustin Church. Ikaw po si Mr. Francisco Neric III?" tanong ko sa kanya. Hindi pa rin ito umiimik.
"Narinig ko kasi na binanggit mo ang pangalan na yan kaya't inakala ko na ikaw ang may-ari" dugtong ko
"Oo ako nga. Ako ang may-ari. Lolo ko ang nasa ER ngayon" tumango ako at kinuha niya ito sa kamay ko.
"Wala po akong kinuha dyan. Gusto ko lang talaga na maibalik ito sa inyo. I'm Ellie" pagpapakilala ko sa sarili
"Thank you. Francis."
"Sir, Ma'am excuse me po. Sino po sa inyo ang kamag-anak? Kakausapin po ni Doc" ani ng nurse na lumapit sa amin.
"Ako, ako po" pumunta agad si Francis at sumunod ako sa likod niya.
"Doc, ano po? Kumusta ang lagay ng Lolo ko?"
"Unconscious pa po ang lagay ng pasyente. Kailangan na ma CT scan siya to make sure that there is no brain damage dahil malakas din po ang pagkaka-untog niya sa pader." Paliwanag ng Doctor
" Hindi naman po ba gano'n kalala, Doc? What do we need to do?" tanong ni Francis na nag-aalala
"Also, the stab wounds he got cause major injuries in his abdomen. We need to be sure, he's under observation. Excuse me" umalis na ang Doctor at tiningnan ko si Francis na bigong-bigo ang itsura.
BINABASA MO ANG
Plumeria [COMPLETED]
RomanceAng totoong pag-ibig ay maihahalintulad sa bulaklak ng Plumeria. Magsisimula sa isang binhi, magkaka-ugat, tutubo ang mga sanga at unti-unting mamumukadkad ang ganda ng bulaklak. Kinakailangan ng malusog na lupa, sapat na sinag ng araw, pagdidilig a...