Kumatok muna ako bago pumasok sa kwarto ni Lolo. Alam kong nasa loob si Francis kasama ang Mama Merly nito.
Dahan-dahan kong pinihit ang pinto at nakitang hawak ng Nanay ni Francis ang kamay ni Lolo. Napatingin siya sa akin.
"Hello po. Para po kay Lolo" at inilagay ko ang mga bulaklak sa tabi ng kama.
"Salamat, Iha. Upo ka. Nasa banyo si Francis" napatango ako.
"Kumusta na po ang lagay ni Lolo?" tanong ko sa Nanay ni Francis na hawak pa rin ang kamay ng Ama.
"Gano'n pa rin, Iha. Walang pagbabago pero alam kong lumalaban si Papá" isang tipid na ngiti ang ibinigay niya sa akin.
"Tita, I'm really sorry for what happened. Ako pa rin po ang may kasalanan ng lahat" alam kong maluluha na ako at papatak na ito anumang oras.
Lumapit siya sa akin.
"No. hindi. Hindi ikaw ang may kasalanan, Ellie. Sabi nga sa akin ni Papá, lahat ng nangyayari sa atin ay pahintulot iyon ng Diyos, kaya h'wag mo ng sisihin ang sarili mo" yinakap ako nito upang gumaan ang pakiramdam ko.
"Sa..lamat po" tanging naibulong ko at yumakap na rin.
"Ma, Ellie, ano pong nangyayari?" tanong sa amin ni Francis dahil naabutan niya kami sa gano'ng sitwasyon.
"Wala anak. I think you shoud go and invite Ellie for coffee or anything" nagulat ako sa suhestyon ng kanyang Mama. Napatingin ako dito at kumindat lang siya sa akin.
"Oh..okay. Ellie? Saan mo gustong pumunta? I know nagbabakasyon ka lang dito sa Calle Buen diba? I can be your tour guide?" alok nito sa akin."Ahh oo, Saan ba ang maganda? Hindi ko na rin alam" sagot ko naman na nahihiya kay Francis.
"Ma, alis po muna kami. I'll be back" pumunta ito sa Mama niya, humalik at nagpaalam.
Hinawakan ni Francis ang kamay ko at hinila na palabas.
"Tita, alis po muna kami" paalam ko naman.
"Ingat kayo"
"Saan tayo pupunta, Francis?" hawak hawak pa rin niya ang kamay ko at medyo naiilang ako.
"Sa daungan, Ellie. Papalubog na ang araw. Bilisan na natin" Agad kaming nagpunta doon.Ala-sais na ng hapon at tamang-tama ang dating namin dahil papalubog pa lang ang araw. Umupo kami sa lumang pantalan at sabay na pinagmasdan ang kalangitan. Ang ganda. Nakakamangha ang kulay ng langit. Nagkukulay kahel ito kasabay ng paghalo ng asul, dilaw at pula.
"Ang ganda di ba?" napatingin ako kay Francis na nakatitig sa akin. Nahiya ako saka muling ibinalik ang atensyon sa langit.
Pero naalala ko, ang sabi ni Annie ay ngayon nila susunduin ang mapapangasawa niya.
"BWAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAP" napatingin ako sa paparating na malaking barko na dadaong pa lamang.
Calle Buen
Mayo 14, 1956
Ala-sais ng umaga
"BWAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAP" papalapit na ang barko. Hudyat na masisilayan ko na si Daniel. Hindi ko mawari ang nararamdaman ko. Gusto kong tumakbo at huwag ng magpakita nang tuluyan upang hindi na matuloy ang kasalan. Ngunit ayokong suwayin ang Papá. Natatakot ako sa pwedeng mangyari.
"Annie, Iha. Hanggat maaari ay magbigay galang ka kay Daniel. Narito pa naman ang kanyang pamilya" bulong sa akin ni Papá. Napatango na lamang ako at sumunod sa kanya.
BINABASA MO ANG
Plumeria [COMPLETED]
RomanceAng totoong pag-ibig ay maihahalintulad sa bulaklak ng Plumeria. Magsisimula sa isang binhi, magkaka-ugat, tutubo ang mga sanga at unti-unting mamumukadkad ang ganda ng bulaklak. Kinakailangan ng malusog na lupa, sapat na sinag ng araw, pagdidilig a...