Where it all began.
________________
"Narinig ko na may darating na seniors mamaya dito, ha?" sambit ni Eloise.
Kasama namin si Theo maglakad papuntang canteen dahil break na naming tatlo. Buti nalang nga at halos parehas kami ng schedule ni Eloise dahil sa aming tatlo, siya lang ang nahiwalay ng course.
Engineering ang kinuha namin ni Theo at Fashion Design naman si Eloise.
Umupo na kami sa tabi ng makakuha kami ng ilang fishball at squidball. Nagtitipid kasi kami. Nasanay na rin 'tong si Theo na kumain ng mga ganito dahil galing pa siyang Canada. Born and raised.
"Lalandi ka na naman?" pang-aasar ni Theo habang may fishball sa loob ng bunganga.
"Sira ulo!" binatukan ni Eloise si Theo. "Baka."
Tinawanan ko siya. Mahilig sa mga gwapo. Hindi ko na nga mabilang ang mga naging jowa niya, eh.
"Hoy, ang tahimik mo na naman. Kaya hindi ka na nalalapitan, eh! 'Wag kang cold." nakatingin sa akin si Eloise.
"Bakit?" painosente kong tanong.
"Bakit?" pang-gagaya niya sa akin. Pambihira.
"Leave her alone. It'll only bother her while she's studying engineering." he scoffed.
"Okay, edi wow." umirap si Eloise. Minsan hindi ko rin talaga gets 'tong dalawang 'to. Pinabayaan ko nalang sila at pinagpatuloy yung pagkain ko. Muntik pa akong mabilaukan ng hatakin ni Eloise 'yong kamay ko na may kutsara.
"Ano ba?" naiinis kong tanong.
Mukhang nagulat din si Theo kaya sabay namin sinundan ng tingin 'yong kanina pa tinititigan ni Eloise. May dalawang grupo na umupo sa magkatabing lamesa. Mukhang malalakas ang dating at intimidating tignan. 'Yong mga babae ay elegante pa maglakad.
May isang table na dalawang lalaki at isang babae lang ang nakaupo. Sa kabila naman, dalawang babae at tatlong lalaki.
"Idol ko 'yang si Ivy." kumikinang pa mga mata ni Eloise pagkasabi niya n'on.
"Sino 'yon doon?" nagturo ako gamit ang nguso. Pinalo naman 'to ni Eloise kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Mapapansin tayo dahil d'yan sa nguso mo, eh!"
Nanahimik nalang ako habang hinihintay kung ieexplain ba niya sila isa-isa. Si Theo naman ay halatang walang pake. Gutom na gutom rin dahil kakatapos lang basketball practice nila.
"'Yong medyo matangkad na babae at mahaba 'yong buhok. Siya si Ivy. Media influencer tulad ng lolo mo." sabay turo niya kay Theo na ngayon ay nagtataka na nakatingin sa amin.
BINABASA MO ANG
Amorphous Bridge Of Love
KurzgeschichtenThe first book of Amorevolous Series. COMPLETE. Serenity Ellie R. Reyes, an aspiring chemical engineer, stays uninterested in love until she meets warmth, who changes her cold attitude with his out-going personality. ps. this book is being edited. t...