"How have you been?" he casually asked.
Napakurap ako at pinipigilan kong magsalita. Napatingin sa amin ang mama niya saka siya ngumiti at tumawa sa aming dalawa.
"So magkakilala pala kayo ng anak ko? That's nice." binalik niya ang shades at hinila ang maleta palayo sa amin.
Susundan ko na sana siya pero hinawakan niya ang kamay ko kaya napahinto ako. Napahawak ako sa strap ng bag ko bago lumingon sa kanya at binigyan siya ng ngiti.
"You didn't answer me. Are you okay?" tanong niya ulit.
I forced a smile. Pinipigilan kong lumuha. Salbahe ka. Kaya mo akong iwan tapos tanongin ng ganyan? Lumunok ako para matanggal ang bara sa lalamunan ko.
"Okay lang," maikli kong sagot.
He chuckled. "You're back with your short replies."
Kinuha niya ulit ang bag niya sa lapag at sinuot 'yon. Sinundan na niya ang mama niya. Wala rin naman akong ginawa kung hindi sumunod dahil kailangan. As much as i want to ignore him, i have to deal with it because i'll be working with his mom.
He looks so successful.
Tahimik akong sumunod. Napalingon pa siya sa likod niya at tumingin sa akin. He started walking slow to match my pace. Sabay na kami naglalakad ngayon.
"So you're a chemical engineer, huh? I thought you were a-"
"Si Theo 'yun." pagputol ko sa kanya.
Nabigla siya sa pagputol ko. Tumango siya at tumingin ng diretso.
May sarili silang van papunta sa opisina kaya nagbook nalang ako ng grab. Nakakahiya naman kung sasama pa ako, diba? Isa pa, nandoon din si Jace. Hindi ko kakayanin.
Dumating na yung itim na van nila pero bago sumakay si Mrs. Mendoza, huminto siya at humarap sa akin. Napatayo tuloy ako ng maayos at ngumiti sa kanya.
"May sasakyan ka ba? You can come with me to the office." nakangiti niyang alok sa akin.
Mabilis akong umiling at naghanap ng tamang mga salita para tumanggi.
"Okay lang po. I booked a grab."
Nagkatinginan sila ni Jace. Kumibit balikat lang si Jace at ngumisi bago pumasok sa van. Pinalagay ng mama niya yung mga maleta nila sa driver. Lumapit naman siya sa akin.
"I'll see you there, then."
Umalis na yung van pagkatapos. Buti nalang at dumating na rin yung grab taxi kaya sumakay na agad ako para hindi ako malate. Nagkamali naman ako sa parte na hindi ako malalate dahil pagdating ko ng opisina, lahat sila ay settled na.
BINABASA MO ANG
Amorphous Bridge Of Love
Короткий рассказThe first book of Amorevolous Series. COMPLETE. Serenity Ellie R. Reyes, an aspiring chemical engineer, stays uninterested in love until she meets warmth, who changes her cold attitude with his out-going personality. ps. this book is being edited. t...