"Girl, hindi ka lumabas this past five days?" nagtatakang tanong ni Eloise.
Nakabalik na si Eloise mula sa bakasyon nila ng 'jowa' niya. Hindi pa nga niya pinapakilala, eh. Isa pa, parang ito na ata yung pinaka-matagal niyang jowa.
"Ha? Lumabas ako."
Huminto siya ng saglit at para bang nag-iisip.
"Ah! May pinost si Ivy! Kasama mo pala sila n'on! Bakit hindi mo ako ininvite, ha?" gigil siya sa akin.
"Kasama mo jowa mo."
Sinamahan namin si Theo sa basketball practice niya. Nagpapractice lang naman siya kapag wala siyang inaaral. Like i said before, he doesn't take basketball seriously. Si Luca siguro ang nagseseryoso. Nabanggit kasi ni Theo na lagi siyang nagpapractice.
"Ang gwapo pala ni Luca, 'no?" turo ni Eloise.
Binaba ko agad yung kamay niya dahil baka may makakita pa sa amin. At tama nga ako. Napatingin sa amin si Luca at ngumiti.
"Argh, bes! He's so cute!" inalog ako ni Eloise. "Ay, taken na pala ako." umayos siya sa pagkakaupo niya.
Tumawa ako sa reaksyon niya at ginalaw ang cellphone. Nakalimutan ko pala na ibalik yung kwintas niya. Hindi pa kami nagkikita ni Jace matapos yung beach party nila. Nagtetext pa naman siya sa akin pero minsan lang ako magreply. Ayoko maattach masyado.
"Sino 'yang kausap mo?" sumilip si Eloise pero umiwas ako. "Oh, maaagaw ko, beh?"
Inirapan ko siya bago magtype ng reply kay Jace. Kanina pa kasi ako kinukulit ni Jace kung ano daw ginagawa ko o nasaan ako. Palibhasa, laging nasa club kasama tropa niya. Si Luca naman, send ng send ng photos nila ni Jace sa akin at hindi 'yon alam ni Jace.
Matapos ang practice ni Theo ay nag-aya siya na kumain daw kami sa labas.
"Wow, wala kang kadate kaya mo kami sinasama, 'no?" sambit ni Eloise habang sinisiko si Theo.
"Shut up."
Tumawa ako pero pinigilan ko nang tumingin ng masama sa akin si Theo. Bakit ba nahihiya siya sabihin na nagseselos siya kapag may iba kaming kasama? Parang kapatid na nga namin siya, eh!
Siya na ang nagtanong kung saan namin gusto pero siya rin pala mamimili. Sumunod lang kami ni Eloise sa kanya.
"So anong level na kayo ni Jace?" tanong na naman niya.
Bakit ba gusto niya mangealam? Hay nako! Sa sobrang pang-aasar niya ay naiiba na tuloy nararamdaman ko, eh. Bakit ba kasi siya nireto reto pa?
"Friends." maikli kong sagot.
Mukhang hindi naman nakumbinsi si Eloise at niliitan niya ako ng mata.
BINABASA MO ANG
Amorphous Bridge Of Love
Short StoryThe first book of Amorevolous Series. COMPLETE. Serenity Ellie R. Reyes, an aspiring chemical engineer, stays uninterested in love until she meets warmth, who changes her cold attitude with his out-going personality. ps. this book is being edited. t...