"Kuya, subukan niyo po yung address na 'to."
Inabot ko sa grab driver yung phone ko para makita niya yung address. Sinubukan kong hanapin si daddy. Hindi ko alam kung malapit lang siya o malayo pero sinubukan kong umikot kung saan ko siya nakita. He shouldn't be that far.
"Sige po, ma'am."
Lumiko si kuya para sundan ang address. Paikot ikot lang kami at humihinto kapag natatapat kami sa isang bahay. This time, isang malaking puting bahay ang hinintuan namin. Lumabas ako ng saglit para tignan ang pangalan ng bahay.
'Reyes Family'
Napatigil ako. Hindi pa ako handa na pumasok sa loob. But at least, i know where they are now. Pinagpag ko yung dumi na naipon sa kahoy. Pinagmasdan ko muna 'yon ng matagal. It feels weird. Yung apelyido ko ay nakadisplay sa labas ng bahay ng ibang tao. I mean, ibang pamilya.
"Yan po ba 'yon, ma'am?" tanong ni manong.
"Salamat po."
Bumalik ako sa grab at nagpahatid sa malapit na tambayan. Kahit anong tambayan. Hindi naman siguro ako dadalhin ni manong sa ibang lugar, diba? Puta, kung ano ano na iniisip ko. Sa bait ng itsura ni manong, pinagdududahan ko pa?
Naglalakad lakad ako ngayon kung saan ako dinala ni manong. Nagpasalamat pa ako sa kanya at binayaran siya. Malaki laki rin ang binayad ko dahil isang lugar lang dapat ang pupuntahan namin. Nanghingi lang ako ng tulong na hanapin ang bahay ni daddy.
Umupo ako sa tabi at pinagmasdan ang mga hinahangin na dahon ng puno. Maaga pa. Didiretso pa ako sa opisina mamaya. Nakaprepare na ang resignation letter ko pero wala pa akong balak ibigay. I don't want to lose my job, right now.
Pagkatapos ko magpahangin ay pumunta na ako sa opisina. Nagulat ang secretary pero pinasok pa rin niya ako. Tinapon ko ang sarili ko sa upuan ko at tinignan ang letter.
"Ms. Reyes, pinapatawag po kayo ng CEO sa opisina niya." sumilip siya sa pinto.
"Okay, salamat."
Mabigat pa rin ang pakiramdam ko. Mag-iisip pa ako ng paraan para hindi mawala 'to. I already created memories and progress. Dito nalang ba hihinto ang lahat?
"Take a seat." malamig niyang sabi pagkatapos kong pumasok sa opisina niya.
Kaming dalawa nalang ang nandito dahil personal ang matter na 'to. Wala siyang pinapasok na iba kahit na alam na ng secretary niya at yung mga kasama namin nung araw na 'yon.
"Sir-"
"I know what you're feeling, right now. I swear, i don't want this to happen either. Marami kang naitulong sa kompanyang ito. You are one of the youngest. Maraming umaasa sa'yo dito. Not only you had that project a success, but you are their sister. I've heard a lot about you when you were gone. That was your first hiatus. Alam kong namaalam ka but look, your team is frustrated but i know they're not telling you. They don't want to disappoint you. YOU being their lead."
BINABASA MO ANG
Amorphous Bridge Of Love
ContoThe first book of Amorevolous Series. COMPLETE. Serenity Ellie R. Reyes, an aspiring chemical engineer, stays uninterested in love until she meets warmth, who changes her cold attitude with his out-going personality. ps. this book is being edited. t...