"Yeah?"
Umayos siya ng upo at nilagay ang lapis sa lamesa. Nakatuon na ang buong atensyon niya sa akin. Hindi tuloy ako makatingin sa kanya ng maayos.
"Uhh,"
Sa tindi ng kaba ko, parang hindi ko yata kaya. Napakapit ako sa inuupuan ko at pumikit para mag-isip.
"Is there a problem?" he tried to look at my face behind my hair.
Napabuntong hininga ako. Hindi ko ata kaya. Sa susunod nalang.
"Joke lang." pinilit kong ngumiti at nag-peace sign pa sa kanya.
Tumawa siya at umiling. Kinuha niya ulit yung lapis niya at nagsimula na naman sa ginagawa niya. Napakagat ako sa labi ko. Malapit na, eh. Nandoon na ako. Bakit hindi ko pa tinuloy? Maganda na ang mga mood namin ngayon, eh. Kainis.
Hinintay ko lang siyang tapusin. Hindi naman masyadong matagal kaya ayos lang. Tinignan ko yung mga naglalakad na napapatingin sa amin. Napalingon ako kay Jace. Busy pa rin siya sa ginagawa niya. Hindi ko pa ata siya nakikita magbura.
"I'm done." he smiled at me and closed his sketchpad.
Tumayo siya pagkatapos magligpit at hinintay akong tumayo para sabay na naman kami. Nag-aya siya sa club dahil may kikitain daw siya. Kasama ko naman daw siya kaya magiging okay lang ako. Yabang, ah.
Pagkadating namin ay namangha ako sa bagong design ng club. Ang tagal ko na palang hindi nakapunta dito. Hindi ko alam kung dumadayo pa si Eloise dito. Parang ito na pinakamatagal niyang panahon na walang jowa, ah.
"Here," pinagbuksan niya ako ng pinto saka siya sumunod sa akin.
Kinawayan kaagad kami ng isang grupo. Parang pamilyar pa sila sa akin. Ah! Nakakasama ni Theo sa basketball.
"Oh, Jace! Akala ko ikaw lang. May kasama ka pala." siniko ni Andy si Jace saka inabutan siya ng beer.
"Hi miss engineer." bati sa akin ni Kash.
Tumango lang ako sa bati niya. Hindi ko naman 'to nakakausap, eh. Minsan lang ako umattend sa practice ni Theo.
"I won't drink." tanggi ni Jace sa inoffer ni Andy.
Pinaupo nila kami sa lounge area nila. Umupo sa tabi ko si Jace at pinatong niya braso niya sa likod ng inuupuan ko.
"I rarely see you now in the club, Jace." sambit ni Kash.
"Yeah? I'm a changed man, i guess." he shrugged.
Tumingin ako sa paligid. Wala akong nakikitang Eloise. Paniguradong magagalit sa akin si Eloise kapag nalaman niyang pumunta ako ngayon.

BINABASA MO ANG
Amorphous Bridge Of Love
Short StoryThe first book of Amorevolous Series. COMPLETE. Serenity Ellie R. Reyes, an aspiring chemical engineer, stays uninterested in love until she meets warmth, who changes her cold attitude with his out-going personality. ps. this book is being edited. t...