Chapter 8

49 3 0
                                    

"Holy shit! You actually came!" sumalubong sa akin si Luca na may hawak pang wine.


Lumabas pa kami ng campus para macelebrate ang birthday ni Luca. Ayaw niya raw kasi sa campus. Pinasabay naman ako ni Jace sa transport niya kaya nakarating din kami. 


Ang gagara ng mga suot ng nandito. Si Luca nga ay naka-suit at pormal na pormal ang event. Maraming regalo ang nakatambak doon sa isang lamesa at puro pagkain sa gitna. May mga nakahanda pang billiards sa gilid at maliit na karaoke room. May beer pong din siyang hinanda.


"Happy birthday!" bati ko kay Luca at inabot ang maliit na regalo.


Nakakahiya nga dahil last minute lang 'to. Nahanap ko nga lang ata sa dorm 'to, eh. Buti nalang wala pang gumagamit kaya ibibigay ko nalang sa kanya.


"Wow, thank you!" nagulat ako nang buksan niya agad ang paper bag at nilabas ang laman. "Damn, i like the smell of this lotion, Ellie!" inamoy amoy niya pa 'yon.


Napakagat ako sa labi ko nang tumingin sa amin ang ibang mga bisita. Ang iba ay pinipigilan ang tawa pero tuwang tuwa si Luca sa regalo.


"Happy birthday, bro. You'll love this," inabot naman ni Jace yung regalo niya para kay Luca. Mas maliit pa kaysa sa regalo ko.


"Paliitan ba 'to ng regalo, bro?" tinanggap naman niya 'yon kay Jace at binuksan din! "Bro..."


Napakunot noo ko nang magyakapan sila habang hawak hawak ni Luca yung pabango. Mukhang mamahalin pa. Nakakahiya pa rin talaga pala yung regalo ko. Pang babae pa ata 'yon, eh. Basta may regalo, diba?


"Tara picture tayo doon! I fixed it just for us!" aya sa amin ni Luca papunta doon sa dining area niya na may mga ilaw.


Maganda pa ang background na nilagay niya. Tamang tama para lang sa mga mahilig sa photoshoot. Nakita ko na agad si Ivy na nakalong dress na asul. Si Rylee ay hindi ko nakita. Pati ba naman sa kaarawan ni Luca mawawala siya? Ganoon ba siya kastrikto sa pag-aaral niya? Hays.


"Who are you looking for?" tanong sa akin ni Jace habang sinusundan namin si Luca.


"W-Wala." napakapit ako sa strap ng shoulder bag ko.


"Yeah, i'm right here, alright? I won't leave you." he chuckled.


Tumawa nalang din ako para mawala yung kaba ko habang dinadaanan namin yung mga magaganda ang suot. Simple lang naman kasi yung suot ko. Akala ko kasi konti lang ang mga bisita. Hindi naman sinabi na halos bawa't block ay inimbita dito.


Napatigil kami sa pinili ni Luca na background.


"Para sa instagram, dali!" pinapunta niya rin si Ivy.


Sa una, hindi sana ako sasali dahil sila lang naman yung best friends dito kasama si Rylee. Pero pinilit ako ni Luca sumama. Sa bagay, birthday boy naman kaya sumama na ako.

Amorphous Bridge Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon