"Wow. Finally did your work beforehand, huh?" pinagmasdan ni Theo yung mga ginawa ko.
Hindi ko siya sinagot at nagpatuloy sa pagtatype. May nirequest kasi yung prof namin sa akin. Gawin ko raw digitally. Kailan pa ako ginanto ng mga prof ko? Ibig ba sabihin magaganda resulta ng mga ginawa ko? Wow.
"I'm proud of you, love!" masayang lumapit sa amin si Eloise at may hawak na bagong bag.
"Sinong love?" tanong ni Theo.
"Asa ka! Porket wala na akong jowa ngayon, lalandiin mo ako? Duh, nakamove on na ako sayo, ha!" Eloise flipped her hair before sitting in front of me.
Tumawa lang si Theo at binigyan siya ng space para umupo. Nasanay na ako sa biruan nilang dalawa. Hanggang ngayon kasi, inaasar pa rin ni Theo si Eloise dahil sa naging past crush siya. Ako yata naging tulay nila, eh. Sa huli, umamin sa akin si Eloise na kinalimutan na raw niya nararamdaman niya para kay Theo dahil akala niya na nagkakagusto na si Theo sa akin. Hays.
"Hindi mo naman ako kailangan bigyan."
"Hoy, dapat kitang bigyan! Nag-aaral ka ng mabuti, diba?" kumindat siya sa akin at inabot yung bag.
"You just heard about it like earlier." pambabara ni Theo sa kanya. Binatukan naman siya agad ni Eloise.
Pinagmasdan ko yung bag na bigay ni Eloise. Puting puti at mukhang mamahalin talaga. Hindi ko pa siya nakikita na suot suot 'to. Ibig sabihin, bagong bago? Sinadya niya bang bigyan ako? Hays.
Tinabi ko muna 'yon at tinuloy yung ginagawa ko.
"Bilhan mo nga ako ng kape!" utos ni Eloise kay Theo.
"Yes, ma'am." tumawa si Theo. "Ikaw, Ellie?"
Umiling ako bilang sagot. Tumayo naman si Theo at bumili ng kape para kay Eloise. Nag-aayos pa ng makeup si Eloise at inaayos ang kulot sa buhok niya.
"Eloise," tawag ko sa kanya.
Balak ko kasi magtanong kaso si Eloise 'to, eh. Hindi naman matino pag dating sa pag-ibig. Laging sawi! Anong aasahan ko dito?
Tinaasan niya ako ng kilay at nag-aabang ng sagot. Hawak hawak niya pa ang salamin niya sa kamay pero tinigil ang pagtitingin sa sarili para abangan ako.
"Paano mo malalaman na may gusto ka na sa isang tao?"
Parang pinipigilan niyang ngumiti matapos ko sabihin 'yon. Sinara niya yung salamin at nilagay 'yon sa bag bago tumingin sa akin na parang may ibubulong.
"Jace ba?" pabulong niyang tanong.
Nanlaki mga mata ko sa sinabi niya.
"Hindi! Nagtatanong kasi blockmate ko." kunwari ko.
BINABASA MO ANG
Amorphous Bridge Of Love
Short StoryThe first book of Amorevolous Series. COMPLETE. Serenity Ellie R. Reyes, an aspiring chemical engineer, stays uninterested in love until she meets warmth, who changes her cold attitude with his out-going personality. ps. this book is being edited. t...