Chapter 9

52 3 0
                                    

Napatulala ako kay Eloise na nagluluto ng tinola ngayon.


"Uy! Nakikinig ka ba? Sabi mo gusto mong matuto, ah?" hinalo halo niya yung nasa kawali.


"Why are you suddenly motivated to learn, huh?" kumuha si Theo ng olive gamit ang toothpick na hawak niya. Nakaupo siya sa likod namin ni Eloise.


"Nothing?"


Napaupo nalang ako sa tabi ni Eloise. Hintayin daw namin 'yon bago maglagay na naman ng kung ano ano. Hindi ko na naintindihan dahil iniisip ko pa rin si Jace. Bakit ko ba 'yon iniwan ng ganoon?


Napabuntong hininga ako at tinakpan ang mukha ko gamit ang dalawa kong kamay.


"Hoy, okay ka lang ba, girl? Nung isang araw ka pang ganyan. Balita ko, nawawala ka na naman sa klase niyo." sumulyap pa siya kay Theo.


Napatingin din ako kay Theo at napakibit balikat siya. Sinabi niya siguro kay Eloise. Bakit ba nagkakampihan na 'tong dalawang 'to? Sinamaan ko silang dalawa ng tingin.


Umiling ako at tumungo sa kwarto ko. Humiga ako sa kama at nag-scroll online. Nagulat ako nang binato ni Eloise sarili niya sa kama at tinabihan ako. Humiga pa siya ng maayos at pumikit.


"Pag nasunog yung tinola, babayaran mo tuition fee ko, ha?" 


Minulat agad ni Eloise mga mata niya at masamang tinignan ako.


"Wag ka nga! Hindi mo naman alam kung gaano katagal yung pagluto n'on, eh." Humalukipkip siya at umupo ng maayos. "Para ba kay Jace?" ngumisi siya.


Nagulat ako sa tinanong niya kaya tinapunan ko siya ng unan at hindi nagsalita. Walang hiyang pangalan 'yan! Hindi man lang ako hinabol para tulungan! Paniguradong pinuntahan na niya si Rylee. Paikot ikot lang yung pangyayari sa utak ko.


"Come on, tell us the real score. Hindi mo ba alam? Ang dami ng issue tungkol sa inyo! Parang ang bobo naman namin ni Theo. Wala kaming kaalam alam." she shrugged and took a book on my side table.


"Wala pa nga." napakamot ako sa ulo ko.


"Aamin ka ba?" napakurap siya.


Tumingin ako sa labas ng bintana sa tabi ng kama ko at iniisip kung itutuloy ko ba. Natatakot ako sa magiging resulta pero gusto ko ng sabihin. Amin tapos takbo nalang kaya? O ghost! Para hindi mahalata na nanghahabol ako.


Ginulo ko buhok ko habang nag-iisip ng paraan kung paano umamin.


"Girl, Just know that confessing is not committing. Pero! Pero! Masasaktan ka kapag hindi umabot sa expectations mo. Kaya ngayon palang sinasabi ko na, kahit may gusto sayo si Jace, maaaring magbago pa rin 'yon." sambit niya.


Napalunok ako sa kahaba-habang sinabi ni Eloise pero inisip ko rin 'yon. Tama naman. Hindi pa sobra yung takot ng pagconfess sa pagcommit. Ang tanong, umaasa nga ba talaga ako? 

Amorphous Bridge Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon