"We're finally done with this sem's projects."
Sumandal si Theo sa upuan niya at kinuha ang cellphone.
"Buti pa kayo! May isa pa akong gagawin. Tch." Humalukipkip si Eloise. "Anyway, Ellie. Nakausap mo na ba si Tita? Hindi ka raw macontact these past few days, eh."
Napakamot ako sa ulo ko. Pinatay ko kasi cellphone ko at laptop lang ang ginamit ko. Nagsesend nalang sa akin ng email si Jace para makausap ako, eh. Hindi ko naman alam na tatawagin pala ako nila mommy.
"Bakit daw?"
Nagkibit balikat siya. "Hindi ko alam, eh. Pag tinatanong ko sasasbihin ni tita 'nevermind, thank you.' Ano ba 'yon?"
"When did you visit them?" tanong ni Theo habang pinaglalaruan ang cellphone.
"Nung huling bakasyon lang." sagot ko naman.
Dumating na yung inorder namin kaya nanahimik na kami para kumain.
"Really," hinati ni Theo ang steak at binigay sa amin ni Eloise 'yon. "Baka papuntahin ka ulit doon para sa pasko?" dagdag niya.
Tumango ako at ngumuso. "Siguro. Doon naman talaga ako pupunta, eh."
"Bibigyan ko ng regalo si tita at tito!" excited na sabi ni Eloise.
Ngayon ko lang naalala na nakabili na nga pala ako ng para sa kanila. Ibibigay ko nalang sa mismong christmas party. Umiling ako at kumain nalang ulit.
"Anong nangyari sa inyo ni Jace? On and off?" natatawang tanong ni Eloise. Nakakagat siya sa kutsara niya habang nakatingin sa akin, naghihintay ng sagot.
"Ha? Okay naman kami, ah?"
Ngumisi si Eloise bago binaba ang kutsara at sumandal sa lamesa para marinig ko siya ng mas maayos.
"Sabi sa akin nung Luca, naglasing daw kagabi. Hindi mo ba alam? Nako kayo ha. Hindi mo naman kami kinukwentuhan ni Theo tungkol sa inyo." bumalik siya sa pwesto niya at pinagpatuloy ang pag kain.
Kumain na ako ng mabilis para makausap ko rin si Jace. Hindi nga kami masyadong nakapag-usap dahil sabi ko may kailangan lang akong tapusin. Wala siyang sinabi na pupunta siya sa club.
Tinext ko siya pero hindi siya agad nakapag-reply. Pupuntahan ko nalang sa dorm niya. Sa bagay, wala naman na akong gagawin at pumayag siya na pwede akong bumisita.
Kumatok ako sa kwarto niya at hinintay na bumukas 'yon. Pagkabukas, bumungad si Jace na magulo pa ang buhok at mukhang kakagising lang.
"Hindi ka pumasok?" tanong ko sa kanya at binaba ang tingin ko sa suot niya.

BINABASA MO ANG
Amorphous Bridge Of Love
Cerita PendekThe first book of Amorevolous Series. COMPLETE. Serenity Ellie R. Reyes, an aspiring chemical engineer, stays uninterested in love until she meets warmth, who changes her cold attitude with his out-going personality. ps. this book is being edited. t...