Chapter 14

43 3 0
                                    

Umiyak ako buong gabi ng araw na 'yon.


Bumalik lahat ng alaala dahil sa mga simple niyang salita. Natatakot akong bumalik na naman dahil may bago na siyang buhay ngayon. May girlfriend na siya at may mga trabaho na kami. Si Ivy, makakasama niya pa sa Australia pero ako? Walang pag-asa.


Hindi ko rin kaya ng long distance kaya hindi na kami pwede. Hindi ko na siya bibigyan ng pangalawang pagkakataon. Never again.


Pupuntahan sana ako ni Eloise ngayong hapon pero sabi ko ay may gagawin ako. Bukas na ang deadline ng project ko. Mabuti nalang at may mga natapos na rin kami dahil sa tulong ng team ni Mrs. Mendoza. 


"Ms. Reyes, it's turning out better. I told you that you need Mrs. Mendoza. Ito ang magpapanatili sa'yo sa trabaho mo." sambit ng head namin.


Tumango ako at bahagyang ngumiti habang pinagmamasdan silang ayusin ang mga kemikal para sa produkto. 


"Nacontact na po namin ang mga tao na nasa refinery. Wala raw po nahanap na problema. Posibleng yung produkto lang po mismo." report sa akin ng ka-team ko.


"Sige, thank you. Pakisabi na pupuntahan ko sila mamaya."


Tumango siya at kinuha ang cellphone para tumawag. Lumayo na muna ako sa lab at tinanggal ang protective equipment na suot ko. Huminga ako ng malalim. Napaupo pa ako sa labas at inisip ang mga nangyari nung gabing 'yon. Nakakahiya na sa kanya.


Umiyak na ako sa harap niya. Pangalawang beses na.


"Coffee?" 


Nagulat ako kay Theo na umupo nalang bigla sa tabi ko.


"Why is my best friend sad?" tanong niya at nilapag ang kape sa tabi ko. "What happened, huh? Will i punch someone?"


Tumawa ako at umiling sa kanya. Napabuntong hininga ako. Alam kong mas magagalit siya pag binanggit ko ang pangalan ni Jace. I have to play it safe for the both of them.


"Work stuff pero okay lang ako." ngumiti ako.


"You never smile a lot, Ellie. Is that a lie?" lumapit pa siya sa mukha ko para makita ng maayos.


Lumayo naman ako sa kanya at bahagyang tinulak siya. Baka magselos pa si Eloise sa aming dalawa, psh. Kinuha ulit ni Theo ang kape sa gilid ko at inabot na naman sa akin.


"Drink it. It will make you feel better." 


Pumasok na ulit ako sa lab matapos akong kausapin ni Theo. Busy pa raw siya, eh. Dumaan lang siya dahil nag-alala daw siya sa akin. Hindi ko pa nga nasasabi kay Eloise na nakita ko na ulit si Jace, eh.


Naghintay ako sa labas para maghanap ng taxi dahil pupuntahan ko pa yung refinery. Nag-email pa sa akin ang mga nandoon at hinihintay na raw ako. Magbobook na sana ako nang grab nang may bumusina sa harap ko.

Amorphous Bridge Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon