Inuntog untog ko ulo ko sa lamesa, umaasa na makakalimutan ko 'yong nangyari. Nagmumukha na siguro akong tanga pero nangingibabaw 'yong hiya sa'kin. Ano ba naman pinagsasabi ko no'n?
"Hoy, babaita. Nung isang araw mo pa inuuntog ulo mo baka makalimutan mo na kami!" Tinignan ko ng masama si Eloise. Kumuha siya ng lollipop at sinubo 'yon habang nakataas ang kilay sa'kin.
Si Theo naman, nagbabasa lang sa gilid pero napapasulyap din sa akin.
"If you're going to hit your head, make sure to hit it hard." he let out a small laugh.
Binatukan ko si Theo at hindi na nagsalita. Pinatong ko nalang 'yong ulo ko sa lamesa. Mukha akong bata na iniwan ng mga kaibigan at nagmumukmok.
"Ano ba kasi ang nangyari?" pangungulit sa akin ni Eloise.
"I hate Jace." sagot ko at inikot ang ulo ko para tumingin sa ibang direksyon. Bigla kong nilipat yung tingin ko nang makitang lumagpas si Jace, Rylee at Luca. Hindi nila kasama si Ivy.
"Aha!" sambit ni Eloise na parang nahuli ako na gumawa ng krimen. "Ano? Kayo na ni Jace?" ngumisi siya.
"No!" pang-depensa ko.
"Oh, edi anong iniisip mo d'yan at may nalalaman ka pang pag-iwas ng tingin?" nakatingin siya sa akin na mapang-asar.
Umayos ako ng upo at tukhim. Hinayaan ko nalang kung ano man yung nararamdaman ko at nilabas ang laptop. May pinapagawa sa amin sa Calculus, eh. 'Yon nalang muna prinoblema ko.
"Hays! Bakit ba lagi kayong busy d'yan sa laptop niyo? Lumipat ka nalang kayo ng Fashion Design." nakahalukipkip si Eloise.
Kahit mahirap ang engineering, tinitiis ko nalang. Sabi kasi nila maganda raw sweldo kapag naging successful ka at ngayon, 'yon talaga kailangan ko. Wala naman talaga kasi akong pangarap o gustong gawin in the future.
Namaalam na sa amin si Eloise dahil may klase pa raw siya. Naiwan tuloy kami ni Theo sa bench at may mga hawak na laptop. Ang tanging maririnig mo nalang ay ang keyboard namin dahil sa pagtatype. Mas malinis pa nga side ko kaysa kay Theo dahil wala akong nilalabas na notebook kuno.
Tumunog naman yung cellphone ko sa kalagitnaan ng trabaho ko kaya sinilip ko nalang.
jacekai.mendz: i see you.
Pinatay ko nalang yung cellphone ko at hindi 'yon pinansin. Madidistract lang ako, eh. Hindi ko nalang din siya hinanap dahil ngingitian niya pa ako o makikipag-landian. Hindi ko talaga type seniors. Masyadong mayabang ang mga nadadaanan ko.
Tumunog na naman 'to at baka mamaya email na kaya sumilip ulit ako.
jacekai.mendz: are you ignoring me?
Pinatay ko nalang yung ringer ko dahil napapansin kong naiinis na rin si Theo.

BINABASA MO ANG
Amorphous Bridge Of Love
Historia CortaThe first book of Amorevolous Series. COMPLETE. Serenity Ellie R. Reyes, an aspiring chemical engineer, stays uninterested in love until she meets warmth, who changes her cold attitude with his out-going personality. ps. this book is being edited. t...