"Si Caleb?" tanong ko kay Eloise habang kumukuha kami ng pagkain.
It's been a week. Nakapasok na rin ako sa opisina at gumagalaw na ulit ako sa project namin. Excited pa nga sila sa pagbalik ko, eh. I never knew they appreciated me that much. I appreciate them, as well.
Si Caleb ang nag-aya na kumain kami sa labas kasama si Eloise at Theo. Balak pa nga niya isama sila Arlo pero busy daw.
"Papunta na yata 'yon." tumingin siya sa relo niya habang hawak ang tray.
"What's taking the both of you so long?" iritadong tanong ni Theo.
Kinuha niya yung tray na nasa kamay ni Eloise para hindi na siya mahirapan. Bumalik si Theo sa pwesto namin para ilapag ang mga pagkain. Sumunod nalang kami ni Eloise sa kanya mula sa likod niya. Kanina pa namin hinihintay si Caleb pero wala pa rin siya. Siya mag-aaya pero siya wala? Astig.
"Girl," napatingin ako kay Eloise. "Eh, kung... bigyan mo kaya ng chance si Caleb?"
Nasamid ako sa buko juice na iniinom ko. Sumakit tuloy lalamunan ko!
"Magkaibigan lang kami n'on. Alam na niya 'yon." paliwanag ko.
"Duh? Lahat naman nagsisimula sa 'magkaibigan' lang. Diba kayo nga ni J-"
Sinubuan siya ni Theo ng burger. Punong puno na tuloy yung bibig niya at muntik na mabilaukan. Tumabi sa kanya si Theo habang ngumunguya.
We never mentioned his name. Siguro may mga pagkakataon na muntikan na pero laging sumisingit si Theo. Alam kong pagod na rin si Theo na marinig yung pangalan niya. Lalo na't hindi pa sila nagkakaayos.
Nag-aya rin si Luca nung isang araw pero tinanggihan ko. Pati nga si Eloise ay inimbita niya pero sinabihan siya ni Theo na 'wag nalang pumunta. Mas mataas ang chance na magkita kita pa kami nila Jace doon. Mahirap na. Masakit pa.
Isang linggo nalang, aalis na siya. I can't even say goodbye.
"Caleb's a good guy." tumango tango si Theo. "But of course, it's Ellie's choice. We can never force her to love someone else." dagdag niya.
Kinapa ni Eloise yung noo ni Theo. "May sakit ka ba?" nag-aalala niyang tanong.
"The fuck? Wala." tinanggal ni Theo yung kamay ni Eloise.
"Ngayon ka lang bumoto ng lalaki para kay Ellie, ha! Anong nainom mo, babe? Good mood ka 'ata, eh! Painom naman." kulit naman ni Eloise.
Ngumisi lang si Theo, umirap na si Eloise. Parang nag-uusap gamit mata, ah? Ganoon na siguro kapag araw araw na kayong magkasama. Umiling ako sa kakulitan nila.
"I'm sorry, i'm late. Traffic."
Tinanggal ni Caleb at sumbrero at sunglasses niya bago umupo sa tabi ko. Napalingon kaming lahat sa kanya. Naka simpleng black shirt at jeans lang siya pero parang pinag-isipan pa rin yung outfit. Ganito ba lahat ng model? Nagagawang pagandahin ang simpleng suot.
BINABASA MO ANG
Amorphous Bridge Of Love
Historia CortaThe first book of Amorevolous Series. COMPLETE. Serenity Ellie R. Reyes, an aspiring chemical engineer, stays uninterested in love until she meets warmth, who changes her cold attitude with his out-going personality. ps. this book is being edited. t...