Hindi na kami nagkaroon ng mga gala matapos ang birthday ni Eloise.
Maliban sa naging busy si Eloise, ayaw naman ako kausapin ni Theo. Hindi ko nalang din sila inabala dahil alam kong may nangyayari pa rin sa kanila.
Tinuonan ko ng pansin ang research ko para hindi ako ialis sa project na 'to. Naging pangarap ko 'to nung nasa college palang ako. Ngayon na nasa harapan ko na, hindi ko na bibitawan pa.
Nagsimula na naman kaming mag-usap ni Jace pero by email. Hindi ko pa rin binubuksan yung dati naming chat dahil masyadong masakit ang nakaraan para sa akin. Baka bumalik lang habang nasa gitna ako ng ginagawa ko. Alam kong hindi ako makakapag isip ng maayos nito.
"Ms. Reyes!" sinalubong ako ng secretary ko. "Ito po yung pinakopya niyo sa akin. Nasa opisina niyo na rin po yung iba."
Binuksan ko yung folder para makita kung tama ba ang ginawa niya. Ngumiti ako at tumango sa kanya bago pumasok sa opisina ko. Tinapon ko ang sarili ko sa upuan at pumikit dilat ng ilang beses.
I spent so much hours inside my office. Lumilitaw rin kasi utak ko kaya hindi ko magawa ng maayos. Pinatong ko ang ulo ko sa lamesa ko at nagpahinga. Nakulangan ako ng tulog at hindi pa ako kumakain ng almusal.
Minasahe ko ang sentidos ko pagkagising sa idlip. Inayos ko na rin yung mga papel sa harap ko at pinatay ang computer.
"Ms. Reyes, may bisita po kayo!" kumatok yung secretary ko.
"Bukas yung pinto." sambit ko.
Bumukas naman yung pinto. Ngumiti sa akin si Caleb at may hawak hawak na plastic na may pagkain. Nilapag niya 'yon sa lamesa ko at umupo sa sofa.
"Workaholic, huh?" he chuckled.
"Bakit ka nandito?" binuksan ko yung plastic at nilabas yung mga pagkain na dinala niya.
"My shoes? Wala lang. I just remembered it. Maybe you didn't."
Mabilis kong binuksan yung mga drawer para icheck kung nadala ko ba. Nakahinga naman ako ng maluwag nang makita ko yung box. Buti nalang nadala ko! Nakakahiya naman kung hindi ko mabalik. Ilang araw na rin ang nakalipas. Mukhang mamahalin pa naman yung sapatos.
"Ito. Sorry kung ngayon ko lang nabigay.." inabot ko sa kanya yung box at dahan dahan niya 'yon kinuha sa akin.
"It's okay. It still looks fine."
Nilagay niya sa sofa yung box bago lumapit sa akin at binuksan yung mga pagkain.
"I figured na 'di ka pa kumakain. Bought it on my way." he shrugged. "Or.. kumain ka na ba?"
"Hindi pa. Thanks," umiling ako pagkatapos ng tanong niya.
Kumuha ako ng malamig na drinks sa maliit na ref ko. Buti nalang may kasamang plato yung pagkain dahil walang plato sa opisina ko. Kung meron, sana pala ay nilagyan ko na ng kwarto at salas, diba?
BINABASA MO ANG
Amorphous Bridge Of Love
Historia CortaThe first book of Amorevolous Series. COMPLETE. Serenity Ellie R. Reyes, an aspiring chemical engineer, stays uninterested in love until she meets warmth, who changes her cold attitude with his out-going personality. ps. this book is being edited. t...