Chapter 3

54 3 0
                                    

Excited akong bumangon para simulan 'yong araw ko. Parang gumaan 'yong pakiramdam ko. Nakangiti pa nga akong pumasok at naweweirduhan na sa akin sila Theo at Eloise.  Grabe sila makatingin sa'kin ngayon.


"Kaninang Calculus class pa 'yan ngumingiti. Did you poison her or something?" pabirong tanong ni Theo kay Eloise.


Umiling lang si Eloise at pinagmamasdan pa rin ako habang ngumunguya. Hindi ba pwede maging masaya?


"Ano ba?" naiinis kong tanong. Paano ba naman kasi, parang may camera akong kasama! Kanina pa nakatingin sa akin.


"Hindi ko talaga masabi kung ano nangyayari sa'yo, eh. Saan ka ba pumunta kagabi? Hindi ka naman lumalabas, ah!" tinuro niya sa akin ang daliri niya.


Tumahimik lang ako at tinuloy 'yong paglilipat ng notes sa laptop. Mas convenient pa kasi. Kanina pa ako distracted pero mas nakakaya ko na classes ko kaysa dati. Inspired, ba. Kinakagat ko pa 'yong ballpen ko at kung ano ano ang iniisip, argh! Pati ako naweweirduhan na, eh!


Binalot ko ang ulo ko gamit ang notebook at sumigaw.


"Hoy! Ang arte! Ano ba nangyari? First time magka-thrill buhay mo, ah?" bahagya akong tinulak ni Eloise.


Hindi ko lang siya pinansin. Kung kinuwento ko, mas hindi ako titigilan nito! Isa pa, hindi pa naman ako sigurado sa nararamdaman ko, eh. Saka nalang.


"May party pala mamaya. Samahan niyo naman ako! Ang tagal ko ng walang jowa, eh." reklamo ni Eloise habang nakahalukipkip at nakasimangot. Tinapik ni Theo 'yong pwesto ni Eloise sa lamesa para mapatingin sa kanya.


"Why the hell do you need one anyway? Graduate muna, okay." 


"Pweh! Porket marami kang side chick?" umirap siya.


Tinawanan ko nalang kakulitan nila. Parang magjowa kung mag-asaran, eh. Kung may toyo si Eloise, susuyuin ni Theo. Hay nako! Magjowa 'yan?


Natahimik naman ako nang makita ko na naman grupo nila Jace. Nag-aaral pa ba 'to? Parang kung ano nalang, eh. Katabi na naman niya si Rylee at nasa harapan si Luca. Minsan lang nila nakakasama si Ivy dahil may ibang tropa. Siguro dahil hindi na rin sila magkaharap.


Hindi pa ako nakikita ni Jace dahil nagtatago na naman ako sa kanya pero hindi ko mapigilang sumulyap sulyap sa kan'ya.


"Tsk! Tsk! Ikaw ha! Wala daw mafafall." bumelat siya sa akin.


"Wala nga!" depensa ko kahit mukha ng tanga.


"Baliw ka talaga! Bahala ka d'yan, sinasabi ko sa'yo." she rolled her eyes pero tinitignan din sila ng pa-sekreto.


May mga libro sa tapat ni Luca at Rylee pero nakapatong lang siko ni Jace sa lamesa at pinatong ang ulo doon. Nakatingin siya kay Rylee at mukhang pinagtitripan pa dahil naiinis si Rylee at ngiting ngiti naman siya. Bagay sila, sa totoo lang.

Amorphous Bridge Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon