EPILOGUE

57 3 0
                                    

4 years.


Apat na taon na ang nakalipas at iniisip ko pa rin ang mga huling salita na sinabi niya. 


'We'll see each other again.'


'Yon nalang ang pinanghahawakan ko. I've achieved a lot. I got promoted, as well. Mas naging busy nga lang dahil halos lahat ng project ay pinapadaan na sa akin. I have been doing so well. Iniimbita na rin ako sa bahay nila daddy. They just couldn't tell their daughter, yet.


"Ellie, here's some food. I'm glad you're feeling home." she smiled at me.


Tumango ako at tinanggap ang inoffer niyang pagkain. She's kind. Somehow, i'm glad my dad is happy. Alam kong masaya rin naman si mommy sa langit. They're both happy. So.. i'm happy for them. Wala na rin akong oras para maglabas ng masakit na salita. Their child deserves to have a peaceful family. Ayaw kong sirain 'yon.


"Ate Ellie! Can you teach me math? It's so hard!" reklamo ni Elyana sa akin.


Tumawa ako sa ekspresyon ng mukha niya. Medyo malaki na rin si Elle ngayon. Buti nalang at lumaki siyang mabait. Her parents are lucky. Hindi sila mahihirapan sa kanya. 


"Sure."


Umupo ako sa tabi niya at binuksan niya ang notebook niya na punong puno ng solutions at kung ano ano. Addition palang naman ang topic kaya naituro ko ng maayos. Hindi ko na yata kakayanin kung umabot ng Circles. 


Theo went out of the country. Nagbakasyon. Well, that's not the entire reason. Ikakasal na rin kasi si Eloise this year. Alam kong ayaw niyang makita na nasa aisle si Eloise at ibang lalaki ang papakasalan. I can't bear to see it too, however, i must be there. 


"Do you think... he'll be fine?" tanong niya sa akin habang inaayusan ko siya ng buhok.


Hindi ko pinansin ang tanong niya. Ayaw kong sagutin. It'll hurt me and her more. Matagal na naming iniiwasan ang pangalan ni Theo kahit na minsan ay nagkikita pa rin kaming dalawa dahil siya ang kinukuha ko pa rin na engineer.


"I miss him so bad. Letcheng buhay 'to, 'no?" bahagya siyang tumawa.


"Hindi ko alam ang sasabihin ko, Eloise. I'm sorry." pag-amin ko.


"Okay lang, girl. Naglalabas lang ako ng saloobin dito. Iiyak muna ako bago ako lagyan ng makeup, haha!" 


I faked a smile. I know she'll adapt eventually. Not all fairy tales have happy endings. Kahit third wheel lang ako, parang mas nasasaktan ako. Hindi ko alam kung anong gagawin ko pero kung sila ay walang magawa, paano pa kaya ako? I just hope they'll be happy.


She walked the aisle.


They said their vows.


They wore the rings.


I smiled.

Amorphous Bridge Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon