Chapter 12

46 3 0
                                    

"Paabot nga yung isa pang pin."


Inaayos ni Eloise ang buhok ko para sa Christmas party. Buong gabi ko ginawa ang pagbabalot ng regalo kaya wala akong oras para mag-ayos ng buhok ngayon. Hindi ako nakapaghanap ng ideya para sa buhok, eh.


"Mas bagay sa'yo 'to." pinakita niya buhok ko sa salamin. "Ang simple kasi ng suot mo! Dapat nagdress ka or something."


Nilait niya pa suot ko. Hindi naman ako magarbo sumuot ng damit kaya okay na 'to. Isang araw lang din naman ang Christmas party, eh. Magkakahiwalay ang party ng mga junior at senior. Hindi ko nga alam kung paano ko makikita si Jace, eh.


Nang matapos niya akong ayusan ay inayos ko naman ang makeup ko. At least konti lang ay alam ko. Ayaw ko naman mag makeup ng masyado dahil hindi bagay sa akin.


Suot ni Eloise ang puti niyang dress at naka Christmas hat pa siya. Nakaheels siya at may mga alahas na halatang sobrang mahal. Makinis si Eloise kaya maganda sa kanya yung mga ganito. Hindi tulad sa akin.


Mabibigyan na rin ako ng sahod bukas kaya saktong uuwi na ako pagkatapos. Iniisip ko lang yung magiging reaksyon ni mommy sa naipon ko. I never lost touch with my tita and mommy anymore. Kailangan nila ako.


"What are you thinking about? Ang lalim, ah." tinapik ni Theo ang noo ko.


Napaayos tuloy ako ng tayo sa may pintuan at sinundan siya papasok sa loob kung saan ako nanggaling.


"Oh? Gaya gaya ka ba?!" tinuro ni Eloise yung suot ni Theo.


Napatingin si Theo sa sarili niyang suot saka lumipat sa suot ni Eloise bago tumawa.


"Sabi mo terno. What do you really want, huh?" napakamot siya sa batok niya.


Tumawa ako sa kanilang dalawa. Medyo terno naman kami, eh. Naka pantalon nga lang ako. Nakaputing polo at black pants si Theo. Parehas na brand pa ang sapatos nila ni Eloise. Umiling ako at inayos ang gamit ko.


"They are already catering food. Ang tagal niyo." reklamo ni Theo sa amin.


"Pupunta na nga, eh. Sorry kung masyado kaming pangit para magtagal sa pag-aayos, ha? Sorry naman! Nakakahiya sa famous." inirapan niya si Theo at nauna nang maglakad sa amin.


Tumingin si Theo sa akin at tumawa.


Nakapunta na kami sa building namin dahil doon gaganapin ang party ng mga junior. Ang gaganda ng mga suot nila! Sobrang makulay pa. Para tuloy kaming dadalaw ng simbahan sa suot namin.


"Hi, Theo! Well, malapit na tayo maging senior.. can i have a picture with you?" lumapit ang isang babae kay Theo.


Mukhang hindi siya taga engineering dahil hindi ko masyadong kilala. Nakita ko ang talim ng mga mata ni Eloise. Tatanggi na sana si Theo pero napilitan talaga siya.

Amorphous Bridge Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon