Chapter 5

52 3 0
                                    

"Do you actually think that I'm a playboy?" natatawang tanong ni Jace habang nakaupo sa harap ko.


Pangatlong araw na 'to ng festival at siya pa rin ang kasama ko. Lagi ba naman kasi akong hinahanap. Baka sabihin pa ng iba na pinapalitan ko na si Rylee. Lagi kaming tinititigan ng mga kabatch nila.


"Why? Aren't you?" pambabara ko sa kanya.


Uminom ako ng tubig. Nasa loob kami ng isang maliit na kainan na pinatayo ng mga archi students. Grupo grupo kasi silang nagtatayo ng mga stall kaya iba iba. Marami rami ang mga tao rito dahil masasarap ang mga pagkain. Naka-buffet pa nga, eh.


"You keep mentioning girls and Rylee. I'm single, for God's sake," he said while stifling a laugh.


Umiwas ako ng tingin. Baka masabi pa niya na nagseselos ako, eh. Curious lang naman! Naubos ko na 'yong kinakain ko habang nakatingin lang sa akin si Jace ng seryoso. Kanina niya pa naubos 'yong sa kanya, eh. Galit ba siya?


"Okay ka lang?" tanong ko sa kanya at napansin siguro niya kung bakit ko 'yon tinanong kaya umiwas siya ng tingin.


"Yeah," sagot niya.


Tumayo na siya at hinintay rin ako para sabay kaming lumabas ng kainan. Bigla ko tuloy naisip 'yong bakasyon pagkatapos ng festival. Balak ko sanang tanungin siya kung ano gagawin niya pero nahihiya ako. 


"What are you thinking about?" tanong niya nang mapansin na malalim ang iniisip ko.


"H-Huh? Wala.." 


Tumango siya at nagpatuloy sa paglalakad na nakapamulsa. Mamayang gabi pa ang fireworks at 'yon lang naman talaga ang hinihintay ko. Tuwing nagkakadikit kami ay kinakabahan ako. Bumibilis yung tibok ng puso ko at natatakot ako na maramdaman niya ang panginginig ko.


Kapag humihinto siya ay pinipigilan ko ang pag-hinga ko dahil sa kaba. Bakit ba ako nagkakaganito? Parang tanga.


Namaalam muna ako sa kanya na pupuntahan ko sila Eloise at Theo pero hindi ko sila mahanap. Kahit nagmessage na ako ay wala pa rin kaya umuwi muna ako sa dorm para magpahinga. Hihintayin ko nalang 'yong gabi para sa fireworks.


Naka-tatlong oras na ata ako ng pahinga at 7pm palang. Sinubukan ko nalang libangin sarili ko dahil tinatamad pa akong lumabas. Buti nalang at hindi ako tinetext ni Jace para makipagkita ngayon.


Inisip ko nalang kung paano ako magbabakasyon matapos ang araw na 'to. Ayaw ko namang maiwan ako sa campus at puro tulog lang. Sayang 'yong bakasyon. May business din kasi sila mommy kaya hindi ko mapuntahan. Tuwing bakasyon ko kasi, sila naman ang busy. 


Lumabas na ako ng dorm nang makita kong lumalalim na ang araw. Umupo muna ako sa gilid at nag-abang ng makakasabay.


moi_eloise: huy, sabay sabay tayo manood ng fireworks ah!


Amorphous Bridge Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon