Chapter 15

43 3 0
                                    

Magaan ang loob ko nung gumising ako.


Nakagawa pa ako ng sandwich sa umaga at dumeretso papuntang opisina. May meeting daw kasi tungkol sa susunod kong produkto. Maaga na rin akong gumawa ng research para hindi ako mahirapan.


"Ms. Reyes, ang aga mo, ah." ngumiti sa akin si Keila. "Here's the portfolio for the meeting. Pinapabigay sa'yo ng head in advance."


Tumango ako sa kanya at tinanggap ang portfolio. Lumiwanag ang mukha ko nang mabasa ko ang pangalan ng produkto. Isa sa paborito kong project kaya gagalingan ko na talaga.


Umupo ako sa opisina ko habang hinihintay ang tawag para sa meeting. Hindi ako makapaniwala na pinapahawak na sa akin ang mga ganitong project! Siguro nga success talaga yung last time. 


Tinawag na kami para sa meeting at ako naman yung nauna pumasok dahil sa excitement. Binati ko pa lahat isa isa nang pumasok sila. Ang iba ay nagtaasan ng kilay at nagkatinginan. Iniisip siguro nila na may nakain akong kakaiba.


"Are you in a good mood today, Ms. Reyes?" tanong ng isa kong myembro sa team.


"Yes." maikli kong sagot.


Inayos na nila ang projector. Naghanda rin ng kape ang secretary bago umupo sa tabi para sabayan kami sa meeting. Kami kami lang ngayon dahil tapos na ang project na kasama si Mrs. Mendoza. Makakahinga na ako ng maluwag at hindi ko na kailangan makipagusap sa kanila.


Nagdiscuss lang naman kung ano yung concept ng susunod na project. Binigyan lang din kami ng limang buwan para pag-isipan ang ilalaunch na product. Halos ilang taon din para maperpekto 'to kaya sinisimulan na namin. 


Maaga akong umuwi dahil gusto kong ilibre lang oras ko ngayon. Alam kong magiging busy na ako sa susunod kaya susulitin ko lang.


Nagulat ako nang may prumeno sa harapan ko. Binaba niya ang bintana ng sasakyan at ngumisi sa akin.


"Bet you're going to book another grab." sambit niya at umiling.


Tumawa ako sa sinabi niya bago binuksan ang pinto at sumakay sa shotgun seat. Mas magaan ang pakiramdam ko sa kanya ngayon kaysa kahapon. Siguro dahil alam kong wala akong magiging problema kapag kasama ko siya. Kahit na kaibigan lang at hanggang doon nalang.


"How was your day at work?" 


Natatawa ako sa pagkatanong niya non dahil para siyang tatay. Pinilit ko talagang hindi matawa para hindi niya ako tignan ng masama at sabihing baliw ako.


"Okay lang." maikli kong sagot.


"Why are you replying so short? Describe how your day went to me. Every detail, okay?" bilin niya.


"Excited lang ako sa bagong proyekto. It's something i was looking forward to. Nothing special. Eh, ikaw?" tanong ko naman sa kanya at nilingon siya.

Amorphous Bridge Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon