enjoy :)
______
"Give me the address of that refinery."
Binaba ko na ang tawag ng head office at minasahe ang sentido ko. Napabuntong hininga ako at tumingin sa lamesa ko na punong puno ng papel.
"But you have a factory to attend to. Paano ka pupunta sa refinery na 'yan?" tanong ni Theo, nag-iisa kong lalaking kaibigan.
Nakaupo si Theo sa gilid at pinagmamasdan ako kanina pa, nasestress.
"Yeah," umiling ako. "Matatapos ko rin lahat 'to."
Niligpit ko ang nasa lamesa ko. Tumayo naman si Theo at humalukipkip saka sumandal sa pinto ng opisina ko. Sinamaan ko siya ng tingin kaya lumabas na siya at doon nalang ako hinintay. Siya ang nagmamaneho dahil hanggang ngayon, hindi ko pa rin nakukuha 'yong lisensya ko. Pinagtatawanan nga ako nila Eloise, ang kaisa isa at napakagandang kabigan ko, eh. Porket may mga sariling kotse na. Tsk.
Inikot ko ang refinery kung saan ako pinapapunta. Pinuntahan ko 'yong head para matanong kung ano 'yong problema. Ang daming problema dito at hindi ko na matandaan kung nakailang balik na 'ko.
"Ms. Reyes, the production stopped. Unfortunately, may nahanap ang ilang customers na kakaiba sa produkto. We need new and better formulas for a better product." umiling sa akin si Keila, isa sa mga katrabaho ko.
Napasapo ako sa noo ko at inikot ulit ang refinery. Hinanap ko kung saan una ginagawa ang produkto hanggang sa kung saan natatapos ito. Wala naman akong nakikitang mali. Baka sa substances? Hay nako! Nakalimutan ko. Nasa notes ko siguro 'yong process na ginawa ko.
"Don't worry, I'll handle it. By next week, may bago na tayong formula." walang buhay kong sabi. Ang dami pang pinapagawa sa'kin tapos dadagdag pa 'to.
Naglakad ako ng mabilis para puntahan ang engineer na nakaabang sa gilid, hinahanapan ng mali ang mga makina. May ilan pa sa kanila na nasa labas. Maraming nakaabang at hindi ko alam kung bakit pa sila nagtatagal sa dami nila.
"Please double-check. Babalik ako from time to time." bilin ko sa kanila.
Baka rin may mali sa makina kaya nag-iiba 'yong resulta ng produkto. I need more research and I know it'll take me more time to conclude the results. Nararamdaman kong tumaas ang dugo ko at hindi ko na malaman kung ano pa ang kailangan kong gawin para mapaayos 'to.
"Oh, ano? Akala ko aalis ka na?" kumunot ang noo ko nang makita kong inaabangan pa rin ako ni Theo.
"You should hire more people, Ellie." sambit niya at napabuntong hininga.
Hindi ko siya pinansin at sumakay na ulit sa sasakyan niya. Bumalik ako sa opisina para hanapin 'yong mga sinulat ko. Alam kong nilista ko doon 'yong mga materials at products. Hindi na 'ko gaano ka-organized kaya nakakagigil kapag nalalaman kong may kulang kulang. Ibig sabihin kasi no'n, babasahin ko na naman mga pinaggagawa ko.

BINABASA MO ANG
Amorphous Bridge Of Love
Short StoryThe first book of Amorevolous Series. COMPLETE. Serenity Ellie R. Reyes, an aspiring chemical engineer, stays uninterested in love until she meets warmth, who changes her cold attitude with his out-going personality. ps. this book is being edited. t...