Chapter 18

52 3 0
                                    

Pinunasan ko ang mga luha ko.


"You.." hindi ko matapos ang sasabihin ko dahil sa gulat.


"Yeah, that's the whole thing." tumikhim siya. "I'd accept it if i lost my chance. After all, i've caused you pain." dagdag niya.


Nagkasalubong ang mga kilay ko at pilit kong hindi umiyak ng sobra. Nginitian niya ako at sumandal sa lamesa para punasan ang mga luha ko. 


"My past birthdays," ani Jace. "I wished for your happiness." dagdag niya.


I pursed my lips. Buong akala ko, wala siyang pagtingin sa akin. I didn't try to be loved by him. Akala ko wala lang talaga. But those little things.. were really and only for me.


"I'm sorry if i didn't get to comfort you that day. I didn't want you to see me." napawi yung ngiti niya.


Hinawakan ko yung kamay niya at tinanggal 'yon sa mukha ko. Binaba ko 'yon sa lamesa at pinunasan ko mga luha ko mag-isa.


"Okay lang. I'm okay now. Kalimutan na natin yung mga pagkakamali na nagawa natin." sabi ko.


Kinuha niya ang magkabila kong kamay at hinawakan ng mahigpit. 


"I'm still in love with you." pinatong niya ang ulo niya sa mga kamay namin.


He's finally said it. Matagal ko nang hinintay pero nabigo ako nung unang pagkakataon. Hindi ako makapaniwala pero masaya ako. Siguro hindi pa nga huli ang lahat. Maybe it was meant to be? 


"Jace," 


Tumingala agad siya nang tawagin ko ang pangalan niya.


"Tara na." i smiled.


Tumango siya at masayang tumayo habang hawak hawak ang kamay ko. Pinasakay niya ako sa sasakyan niya at dinala sa opisina. May gagawin pa kasi ako.


"Thank you," i said before closing the door of his car.


"No, Ellie. Thank you. You listened." his eyes formed a smile.


Kumikinang pa ang mga mata niya habang nakatingin sa akin. Sinara na niya ang bintana at humarurot paalis ng opisina ko.


Dahan dahan akong umakyat. Bawa't hagdan na inaapakan ko, nakangiti ako na parang tanga. Mukhang sinapian na ako. Napapatingin pa sa akin yung mga katrabaho ko. 


"Ang saya niyo po, ah?" natutuwang sabi ng secretary at may binigay sa akin na portfolio. "May naghihintay rin po sa loob ng opisina niyo."


"Salamat,"


Sino na naman dadalaw? Parang hindi na yata ako natahimik, ah?

Amorphous Bridge Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon