"Ano? Paulit?" pang-aasar ko.
"Stop, eb. I might not be able to sleep thinking about you,"
Kumalas na siya sa pagkakayakap niya at dumeretso sa CR. Naiwan akong nakatayo at namumula sa sinabi niya. Kinikilig? Psh. Ang bigat ba naman ng mga salitang binitawan niya. Hindi ko pa nga kayang sabihin 'yon, eh. Pero alam kong 'yon naman na yung nararamdaman ko.
Ano ba kinakatakot ko?
Tumingin ako sa pinto ng CR kung nasaan siya pero umiwas ako ng tingin at inalis sa isip ko yung pagiging negative. Paano ba naman kasi, negatively right si Theo at positively assuming si Eloise. Saan ba ako makikinig?
Umakyat nalang ako sa kwarto ko para makapagpahinga. Nagising ako dahil sa pag pasok ni Jace sa kwarto ko. Umupo ako at kinusot ang mga mata ko. May dala siyang plato at baso ng gatas.
"Good morning, eb." bati niya na may kasamang nakakatunaw na ngiti. "You slept well, huh? I fixed your clothes for work. I made you breakfast. I cleaned your shoes and i cleaned your living room."
Napaawang ang labi ko sa sinabi niya. Ang dami naman niyang nagawa? Natulog pa ba 'to? Gumising na nga lang, hindi ko pa magawa. Maglinis pa kaya? I salute.
Kinuha ko yung plato sa kamay niya at pinatong ang baso sa lamesa na nasa gilid ko. Umupo naman siya sa paanan ko at tinitigan ako habang kumakain ako. Tinaasan ko siya ng kilay.
"Hindi ka pa ba kumakain? Ang dami mong nagawa pero kumain, hindi?"
Umiling siya, "I'm leaving, anyway. Ate Janette is looking for me. She doesn't know-"
"Mauna ka na. Matagal pa ako mag-ayos." pag-putol ko sa kanya.
"I'll wait for you. I have time." pinagpag niya ang kama bago siya lumabas ng kwarto.
Nakahinga naman ako ng maluwag. Kinakabahan ako sa pangalan ng pamilya niya. Baka may matanim na galit sa akin kapag nalaman nilang nakipag hiwalay si Jace kay Ivy para sa akin. Hindi naman nila alam na wala palang namagitan kay Ivy at sa anak nila.
Mabilis kong inubos yung niluto niya para makapag-ayos na rin. Bumaba na ako at nakita kong naghihintay siya sa sofa. Ayos na ayos na siya. May extra siguro siyang damit sa sasakyan niya. Handang handa, ah? Parang plinano na matulog dito.
Pinatay niya ang TV nang makita ako.
"Let's go?"
Sumakay na kami sa sasakyan niya at doon na ko nag slight makeup. Ayaw ko lang masira yung mukha ko pag dinamihan ko. Isa pa, hindi ako sanay.
"You look better with and without makeup. But i think it's a hassle to put makeup everyday, right?" lumingon lingon sa akin si Jace pero sinusubukan niyang tumitig sa kalsada.
"Kailangan ko maging presentable." sabi ko.

BINABASA MO ANG
Amorphous Bridge Of Love
Historia CortaThe first book of Amorevolous Series. COMPLETE. Serenity Ellie R. Reyes, an aspiring chemical engineer, stays uninterested in love until she meets warmth, who changes her cold attitude with his out-going personality. ps. this book is being edited. t...