Chapter 22

46 3 0
                                    

"Nakapasa ako sa driving test." 


"Talaga?! Huy, dali roadtrip na!" Tumalon talon si Eloise sa saya.


"Kailangan ko pa magpractice. Baka dumeretso tayo ng ospital." napakamot ako sa ulo ko.


"Pumasa ka na nga eh, diba! Be positive, girl!" hinampas ako ni Eloise sa balikat.


Nandito ako sa opisina niya dahil hindi siya makadalaw sa akin. Bumalik siya sa kanina niya pa inaasikaso. Mukhang gown 'tong ginagawa niya, ah.


"Para kanino 'yan?" tanong ko.


"Ah, eto? nakalimutan ko 'yung name! Basta half filo and half chinese. Ang gandang nga nung girl, eh." sagot niya bago kumuha ng gunting at ginupit ang sinulid.


Pinagmasdan ko lang siyang magtahi doon. Para akong bata na hinihintay mama niya. Matapos ang ilang oras ay bumalik na ako sa opisina ko.


Usual routine lang naman. Buti nalang at hindi ako pinadalaw sa site ngayon. Nakapagpahinga mga paa ko sa opisina habang nagsusulat ng kung ano ano at may research pa. Pumunta lang ako sa lab para mag-test ulit. 


Medyo free pa ako ngayong araw kaya napagdesisyonan kong bumili ng damit at kumain sa labas. May dalawa na akong dalang bag dahil nagpabili na rin si Eloise. Hay nako.


"Oh? Aren't you my brother's friend?" 


Napatigil ako at lumingon sa nagtanong. Si Ate Janette. May hawak siyang stroller at natutulog doon yung anak niya. Naalala ko tuloy yung sinabi ng mom nila tungkol kay Jace. Nagmukha tuloy akong tanga dahil hinanap ko si Jace sa paligid.


"Ah, don't worry. Jace is not here. May trabaho. Anyway, it's nice to see you! Tara, lunch?"


"Sure." 


Hindi na ako tumanggi dahil mukhang kailangan niya rin ng kasama. Siya at ang anak niya lang ang nagiikot sa mall. Single mom ba siya? Nahalata yata ako kaya bahagya siyang tumawa.


"My boyfriend is busy. Babalik na rin kami sa Australia soon. I heard hindi na kayo masyadong nagkikita ni Jace?" she sipped on her coffee.


"He's working for my company's request. Sorry, ate. Kailangan kasi namin ng magaling na architect para doon." paliwanag ko.


"Oh! Don't worry, it's fine. I'm glad you see him as one of the best architects out there." ngumiti siya ng malawak bago ako inabutan ng tubig.


Tinanggap ko 'yon at ininom. Umiyak ng sandali ang bata kaya tinuonan niya muna 'yon ng pansin. Kahit nanganak na siya ay maganda pa rin siya. Mukhang may rbf din kaya ayaw kong makipagtalo sa kanya kung may pagkakataon man.


"I heard about Ivy and Jace's breakup. It was sad." bumaling siya sa akin. "I liked Ivy a lot. Very admirable, eh. She's pretty, as well. Hindi ko maintindihan si Jace." 

Amorphous Bridge Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon