Chill and Enjoy Reading!
__________
Lumipas ang araw nglinggo at hindi ako lumabas kahapon. Nag pagaling lang ako ng medyo namamaga kong pisngi at sugat sa labi. Isama na rin ang paso na natamo ko no'ng biyernes.
Tuloy tuloy pa rin ang pangangamusta ni Paris, kahit hindi naman ako nagrereply sa kanya.
Pinuntahan din ako nila Jesse para dalhan ng meryenda.
"Hindi ka ba talaga lalabas? Hinahanap ka ni Paris," saad sa akin ni Jesse.
"Oo, kanina pa siya nandun sa waiting area," dagdag ni Ellen.
"Pakisabi na lang umalis na siya, dahil hindi ako lalabas," sabi ko sa kanila.
"O sige, magpagaling ka na lang muna," payo naman ni Aira.
Tumango lang ako sa kanila kahapon at pinagtakpan na lang ang namamaga kong pisngi at sugat sa labi. Sinabi kong nahulog ako sa pagaayos ng mga pinamili. There's no way I'll be telling them what truly happened.
It's monday and I felt the gloomy and melancholy atmosphere here in the university. And here I am, wearing my pink shirt top with my black highwaist skirt and ankle boots. I plastered a smile on my face as I walk around.
May iilan din na nakayuko at yung iba ay naiiyak naman. Nalilito man ay nagpatuloy pa rin ako sa cafeteria. I grabbed a chicken sandwich and strawberry juice and brewed coffee. Mag isa lang din ako sa lamesa at napansin ko yung dalawang alipores ni Janna na humahagulgol sa isang mesa.
Napangiwi ako at kumain na lang, ang aga aga ang Drama ng paligid. Hindi ba nila alam na nakakawalang gana gumawa sa buong araw kung ipagpapatuloy nila 'yan? Wala pa namang thesis na binibigay. Wala pang release ng Exam Results. Wala pang nagsasabi kung makakagraduate ba sila o hindi, kaya bakit sila nagdadrama dyan?
I continued eating and noticed Paris' entered the cafeteria. May dala siyang pink na paper bag at patungo siya sa direksyon ko.
Umupo naman ako ng maayos at palihim na inayos ang sarili ko. Not that I'm conscious pero mas mabuti nang presentable ako tingnan.
He sitted in front of me and stare at me intently. Nagpatuloy lang ako sa pagkagat ng sandwich ko. Bahagya namang kumunot ang noo niya at halos magsalubong na ang mga kilay. Ano nanamang problema nito?
"What happened to your face?" he started.
I sipped on my juice first, before firing back at him, "Why do you ask?"
Nagtiim bagang siya at mas sumeryoso ang mukha kaya naman nangatog ang mga tuhod ko. Yumuko lang ako para maitago ang kaba.
"I asked because I want to know. Now what happened?" may bahid ng iritasyon sa boses niya.
"I-I fell down...N-Nag aayos ako ng mga p-pinamili ko." nanginginig kong sagot.
That's a lie.
Mataman niya lang akong tiningnan at narinig ko pa ang paghinga niya ng malalim na parang sumuko na. Napansin ko rin ang pangingitim ng ilalim ng mata niya at pagod sa mga ito. Hindi ba siya nakatulog ng maayos?
"Please take this. It's my peace offering," aniya sabay lahad sa akin ng pink na paper bag.
Tumikhim ako at tinanggap ito. Hindi ko muna iyon binuksan at nakipagtitigan lang sa kanya, kahit papaano alam ko namang nagsisisi na si Paris. Even I'm not the kind of person that just forgive people.
![](https://img.wattpad.com/cover/224903395-288-k818035.jpg)
BINABASA MO ANG
A Slayer At The Vendetta (Town of Laodicea Series #1 COMPLETED)
ActionThis is the first installment from "Town Of Laocidea Series" __________ GREED, POWER, AND SECRETS. How can you possessed someone or something that isn't made for you? How greedy can you be? How long can you keep a secret? Without someone finding ou...