Chill and Enjoy Reading!
__________
Why people loves to keep a secret? Is it to protect themselves? To hide their reputation? Or to protect that someone who wants to know the secret?
I have a secret too, but I will not let anyone knows that I have one.
"So anong status niyo ni Paris?" tanong ni Jesse.
Nasa Cafeteria kami ngayon at kasalukuyang naglalunch, kaming dalawa lang dahil mamaya pa daw darating sina Aira at Ellen na umuwi sa kanilang bahay. Si Jesse kasi ay busy ang mga magulang kaya hindi na siya bumibisita rito, Ako naman? Well, nevermind.
"Manliligaw na siya," nagkibit balikat ako at dumampot ng chilli cheese fries.
Nanlaki naman ang mga mata niya at bahagyang nasamid pa sa iniinom niya.
"AHHHHHHH!!!" tili nitong nagpabingi sa akin.
Tinawanan ko lang siya habang sinasaway na siya ng iba.
"Kumalma ka nga!" binato ko siya ng chitchirya.
"Jusmeeee~!!! 'Di ako makapaniwala!" aniya.
"Kahapon niya lang naman ako tinanong eh," wika ko sa kanya.
"Aabangan ko panliligaw n'yan sayo!" sabi niya at uminom ng juice.
"O sige, abangan natin," tawa ko sa kanya.
Nagtawanan lang kami at naghahampasan pa dahil sa kilig. I don't know girls are going crazy in this kind of news. Para kaming mga baliw dito.
"Dapat nagmake out kayo kahapon!" saad ni Jesse sabay sundot sa tagiliran ko.
Pinanlakihan ko naman siya ng mata, "Anong make out ka dyan!?"
"Oo! Kakandong ka sa kan-"
"Omg Jesse, stop it!" nagtakip na ako ng teinga.
Naghihisterya naman siya sa pagtawa, habang binabato ko lang siya ng chitchirya.
Maya maya naman ay may naupo sa tabi kong silya, at nakita ang mukha ni Mark.
"Hello girls!" bati niya.
"Hello Mark! Kumusta? Ilang lunch ka na rin naming hindi nakakasabay ah?" paunang tanong ni Jesse.
Totoo 'yun, halos dalawang linggo rin siyang hindi sumama sa lunch namin dahil palagi daw siyang busy.
"Sorry, busy ako eh." Dahilan niya palagi at hanggang ngayon.
"Ano ba mga pinagkakabusy-han mo?" tanong ko sa kanya.
"Gusto niyo ba lumabas ng University? Tara, Mall tayo!" pagiiba niya ng usapan.
So ayaw niyang mapagusapan ang kung anong pinagkakabusy-han niya? Bakit? Importante ba?
"Okay lang naman sa akin, tapos naman na ako sa mga homeworks at powerpoint," tugon ni Jesse.
Ako rin naman, pagka-alis kasi pa ni Paris kahapon ay binuksan ko na agad ang netbook at macbook ko para sa homeworks. Kaninang umaga naman ay naglinis ako ng room, kaya kung walang gagawin ay matutulog lang ako.
"Sure. Matutulog lang din naman ako mamaya kung wala akong gagawin eh," ani ko sa kanila.
Ngumiti si Mark sa amin, "Babawi ako sa inyo ngayon, kaya ililibre ko kayo."
![](https://img.wattpad.com/cover/224903395-288-k818035.jpg)
BINABASA MO ANG
A Slayer At The Vendetta (Town of Laodicea Series #1 COMPLETED)
БоевикThis is the first installment from "Town Of Laocidea Series" __________ GREED, POWER, AND SECRETS. How can you possessed someone or something that isn't made for you? How greedy can you be? How long can you keep a secret? Without someone finding ou...