TWELVE: THE SECOND MAN IN BROWN CLOAK

57 6 2
                                    

Chill and Enjoy Reading!

__________


I felt the pain all over my upper body. Mabigat ang aking dibdib at ramdam ko ang pamamaga ng aking panga. I slowly opened my eyes, only to find out that I am at the infarmary.

Sinubukan kong bumangon at nanuot naman ang sakit sa aking balikat, napangiwi ako ng maramdaman 'yon.

"Don't move if you can't," narinig ko naman ang baritonong boses sa kanan ko. Nakita ko ang seryoso at nagaalala na ekspresyon ni Paris. "Magpahinga ka pa."

"A-Anong o-oras n-na?" tanong ko sa namamaos na boses.

Inabot naman sa akin ni Paris ang isang bottled water at pinainom sa akin. Tumingin muna siya sa wristwatch niya bago ako sinagot at tinanong.

"2 am. How are you feeling?" 

"Bad...Nasan si Mark?" tanong ko na hindi niya sinagot dahil sa nagsalitang  Doctor na lalaki.

"Hello Ms. Britania, I am Dr. Arthur Perez. Let me check your vitals," nakangiti niyang sabi sa akin.

Humarap ako ng maayos sa kanya, at una niyang tinutok sa aking mga mata ang maliit na ilaw habang nakatingin ako sa kanyang hintuturo.

"You seemed to be a strong girl. You're not even traumatized, you were just tired," sabi niy habang ginagawa 'yon sa mata ko.

Ofcourse I won't be traumatized, I'm not even surprised.

Pagkatapos ay umalis na ako sa kama at hinalughog ang mga gamit ko. Inabot naman sa akin 'yon ni Paris.

"I'm sorry for the trouble Doc. Can I go now?" I requested to  Dr. Arthur.

"Yes! I suggests that you should rest more. It's better if you won't come to your classes tomorrow. Wala ka namang sugat o pasa maliban sa 'yong panga, pero mas mabuti kung magpapahinga ka." 

"Okay Doc. I'll go now," ngiti ko sa kanya. 

"You're kinda pretty Ms. Bri-"

"We'll go now, Dr. Perez," pagputol ni Paris sa sasabihin ni Dr. Arthur.

Ngumisi lang ito at tumango kay Paris, hinayaan ko naman si Paris na kunin ang mga gamit ko at lumabas na sa infarmary. Sumalubong sa amin ang malamig na simoy ng hangin at madilim na paligid.

"Do you want to eat? I'll cook for you if you want." Paris said in a husky voice.

Inaantok na siguro siya.

"Hindi na. Matutulog na lang ako," tugon ko.

"Do not come to your class tomorrow," he said like it's an order.

Agad akong umiling, "I have a homeworks and reports to pass. May brainstorming pa, para sa next experiment. So I need to go." 

"I can just pass your homeworks and help you with the reports, and I'll be your representative for that brainstorming. Just don't come." 

"No. I can do that Paris, pasa lang naman ito."

Bumuntong hininga siya at hindi na nagsalita, nagkibit balikat na lang ako, inaasahan ko pa naman siya na magtatanong tungkol nangyari pero hindi niya ginawa, at mukhang ayaw niya ring pagusapan. Ano kayang nangyari sa kambal ni Mark? Hindi ko nga alam na may kakambal siya na mukhang makapangyarihan sa fraternity group na 'yon.

At yung isa pang nakabrown cloak nasaan?

"Stay away from that group, Natasha," nilingon ko si Paris na nagsalita, his voice is cold and serious. It's like a command to me. "You don't know them. Just run immediately when you saw them."

A Slayer At The Vendetta (Town of Laodicea Series #1 COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon