Chill and Enjoy Reading!
You can listen to the theme song of this chapter:
Falling for you by Colbie Caillat__________
"One hundred per colors ang gagawin diba?" tanong ni Paris.
"Yup. Sana matapos nga lang ngayong araw. Not that it's hard. But three hundred pieces of scented candles is not a joke," medyo nakangiwi ko pang sagot.
Kasalukuyan kaming nasa Mixed and Matter, isang Chemical Shop exclusively for Chemists and Chemistry Students.
Si Paris ang nakakaalam ng store na ito dito sa mall. Kaya sumunod lang ako sa kan'ya.
"Bumili na lang tayo ng gawa na," walang ganang sabi niya.
Kumuha ako ng iilan pang wax at nilagay sa basket na dala niya.
"Mas maganda kung sarili nating gawa Paris," ani ko sa kanya.
Hindi lang naman ako ang may Best in Chemical Experiment sa degree namin. Lahat nang kasama ko sa booth namin na Juniors ay naparangalan din non. Kaya lang, mas may benefit ang gawa kong scented candles sa gagawin naming booth, kaysa sa experiment ng mga kasama ko.
"I imagine doing it all night," Paris almost groaned.
Tiningnan ko naman siya, na mukhang pagod at parang walang gana sa lahat ng gagawin.
"You don't like it?" I asked him while looking at the fragrance oil.
"I like it. I just don't want you to get tired," he answered in his sooting cold voice.
I laughed sarcastically at him, "Says the one who looked tired."
Nagkibit balikat lang siya sa akin at pagod na ngumisi. Ano bang ginawa niya kahapon?
"Okay na siguro 'to. Bayaran na natin," sabi ko nang matapos tingnan ang nasa basket namin.
Tumango siya sa akin at nauna na sa pagpunta sa cashier. Susundan ko na sana siya nang may maramdaman akong nakatingin sa akin.
Luminga linga ako sa paligid at tumingin sa bandang kanan. Walang tao roon, sa kaliwa naman ay ang labas nitong shop.
May namataan akong nakaitim t-shirt na lalaki at may ball cap. Nasa harap ito ng Jewelry Store, na tapat nitong shop. Diretso siyang nakatanaw sa akin, nakahalukipkip siya, may dumaan na grupo ng magkakaibigan, kaya pagkalagpas nila. Wala na roon ang lalaki.
Weird...
Sino kaya iyon? May kailangan ba siya sa akin?
Lumabas ako ng shop at sinubukan siyang hagilapin, pero wala siya. Mukhang nakaalis na.
Nagpakawala ako ng hininga at bumalik na sa loob. I immediately saw Paris looking at me with his worried face. Mukhang tapos na siyang magbayad.
Ngumiti ako at lumapit sa kanya.
"Tapos ka na?" tanong ko.
"Bakit ka lumabas?" tanong niya rin.
Tumingin ako sa mga paperbags at kukuhain ko na sana, kaso naunahan na ako ni Paris.
"Answer me," he commanded.
With rolling eyes, I faced him.
"May tiningnan lang ako sa labas," sagot ko.
"Really?" sambit niya na parang hindi naniniwala.
I nodded to him, "I saw the Jewelry Store there, I want to check something."
BINABASA MO ANG
A Slayer At The Vendetta (Town of Laodicea Series #1 COMPLETED)
AcciónThis is the first installment from "Town Of Laocidea Series" __________ GREED, POWER, AND SECRETS. How can you possessed someone or something that isn't made for you? How greedy can you be? How long can you keep a secret? Without someone finding ou...