Chapter 1: Note

66 10 0
                                    

"Krisantta!"

Tawag ng isang pamilyar na boses bago ako mawalan ng malay.

Kina umagahan agad akong bumangon sa aking kinahihigaan na tila parang walang nangyari

"Shit nasaan ako?"

Nasa isang apat na sulok akong kwarto na hindi pamilyar sa aking paningin at halata namang hindi naman ito ang aking silid.

May note na naka lagay malapit sa lampshade.

"Eat before you leave."

Tangina? Hindi ko nga alam kung kaninong lugar to tapos makiki-kain pa ako. Bumangon na lang ako agad at napansing hindi ito ang damit na suot ko kagabi.

I'm wearing a black oversized shirt and a new undies. Huwag na kayo mag taka naka nipple tape ako kagabi sa party 'cause Im wearing a tube and leggings.

SINONG NAG PALIT NG DAMIT KO?!

Dali-dali akong lumabas ng kwarto at totoo nga naman may naka prepare na breakfast at naka takip pa ito. May mainit init pa ring kape sa may coffee maker. Siguro pag ka alis ng tao ilang minuto lang ang nagising na ako.

Bago ko naisipang umupo nakita ko ang aking cellphone sa may table malapit sa sofa. Agad kong kinuha at nagulantang ng makitang napaka raming missed calls at text msgs ng aking mga kaibigan.

Aly:

"Nauna ka bang umuwi?"

"Hey brat"

"Hinahanap ka samin ni Kier"

"Krisantta where are you?"

Kathleen:

"Swear Krisantta, Ezekier gonna kill us"

"Bitch wer u?"

35 missed calls from Kathleen and Aly and 47 fucking missed calls from Ezekier.

Hindi ko alam kung sinong una kong kakausapin dahil paniguradong nag-aalala at galit ang isa sa mga ito.

Incoming call
"Love"

Damn.

I answered it quickly..

"Good morning love"

"Tell me what's good in morning Krisantta?" halatang dismayado niyang bigkas.

"Hey I'm okay love pauwi na ako sa unit namin ni Kathleen."  Sinabi ko ng kalmado para walang mamuong tensyon.

"Really?" matipid niyang sagot at halata na ang galit.

"I'll explain myself later, please dont be mad." sagot ko na lamang.

"You owe me an explanation after my meeting 3pm I'll be on your place." Kalmado niyang sabi.

"Okay love u" at binaba na ang tawag.

Shit shit, mahaba-habang diskusyon na naman ito panigurado. Umupo na ako at kinain na lang din ang breakfast na nakahanda dito sa lamesa. Parang babaliktad ako sa aking kinatatayuan sa kakaisip sa mga nangyayari.

Agad kong binuksan ang aking telegram app at nag message sa group chat naming magkakaibigan.

Guess what?

Ang dami rin palang chat doon ayoko ng isa-isahin dahil lahat iyon ay iisa lamang ang nais iparating, ang hanapin kung saang lupalop ba ako napadpad.

"Guys I'm okay now, pauwi na rin ako."

Sent.

Gusto kong kumalma pero parang hindi iyon babagay sa ngayon. Una sa lahat mukhang nasa isang condo ako around Qc. Pangalawa naman, hindi ko alam paano ako napadpad dito ang alam ko nasa birthday party ako ni Eunice. Pangatlo, tangina? Sino ba nagdala sa akin dito!

Tinapos ko ng kumain at niligpit ito at agad akong nag bihis ng aking leggings na naka tupi ng maayos sa gilid ng kama. Itong shirt muna isusuot ko. Sinuot ang aking heels at ng akmang aalis na ay may naisip ako...

I should leave a note too...

Nakita ko sa isang desk na puno ng sketches at artworks ang isang papel na nakataob at pumunit dito at kumuha ng lapis

"Hey thankyou, I owe you alot."

Nagkaroon na naman ako ng isang pakening na utang na loob sa taong hindi ko naman kilala.
Nilagay ko ang note kung saan ko rin nakita ang pinaglagyan niya ng note.

Habang palabas ng kaniyang unit ay nag book na ako ng grab para agad na maka-uwi. Kailangang mag process ng utak ko marami akong dapat ipaliwanag kahit hindi ko alam ang mga nangyari. 

Ilang minuto lang ay kaagad dumating ang aking grab driver at sumakay na. Shit naman hindi ako mapakali binuksan ko ang gc naming makakaibigan. Tamang backread lang ng mga messages hanggang sa umabot sa mga sinend nilang pics and videos.

"TANGINA"

Napamura ako ng napakalutong na halos ikagulat ng grab driver.

"Ay sorry po kuya"

Nakakita ako ng iilang videos na sinend ni Hera at ng ma play ko, Lahat ay nag sisigawan at kaniya-kaniyang cheer sa pinag gagawa ko..

SHIT IM DOING SOME BODY SHOT ON A GUY THAT I DIDN'T KNOW! 

Ganito ba ako ka wala sa wisyo para magawa yon?

Sinong mga nakakita?

Sinong nakaka alam neto?

Alam kaya nung mga tao dun na may boyfriend ako?

Alam kaya nung lalaking yon yung ginagawa namin?

SHIT.

In your eyes (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon