"Ano milktea muna?" pag-aaya ni Sheena."Saan naman tayo mag dinner?" tanong naman ni Kathleen.
"Sasama lang kami tapos kain ng kaunti sa dinner ha mag dinner kami ni Chiara." dagdag ko.
"Ay kayo-kayo lang hindi kami kasama?" malungkot na bigkas ni Sheena.
"Stop it! Hindi bagay sayo." sagot ko agad.
Natawa kami sa pag make face ni Sheena HAHAHAHAHA!
"Babawi ako sa susunod sagot ko VIP reservation natin sa bar." dagdag ko at siya namang kinatuwa ng mga loka-loka.
Basta talaga bar ang narinig ng mga ito akala mo may nag palakpaka na mga anghel sa mubuting balita nilang narinig.
"Narinig niyo yan ah! Si Krisantta na nagsabi kaya set na agad!"
"Last day of expo event? Then I'll pick up Aly g agad!" sagot naman ni Eunice.
"Fine!" hindi na ako nakapalag at sumagot na lang.
Para natin siguro ito sa celebration ng successful event ni Alyssa. Celebration na rin na mawawala na sa paningin ko si Kersh. Siguro naman after din ng dinner na to mananahimik na siya. Hindi na rin mapag-uusapan yung mga nangyari nung nakaaraan.
Maya-maya pa ay lumapit sa amin si Aly na tuwang-tuwa. Lunch na rin pero tuloy pa rin ang pag dagsa ng mga tao at nag aavail ng mga tickets sa expo.
"Tara lunch muna tayo? Mamaya pa naman darating yung ibang representative ng sponsors namin." ika ni Aly.
"Libre mo ghorl?" bungad agad ni Hera.
"Libre niya yan successful 1st day opening eh." dagdag ni Sheena.
"Mag-aaya ba ako kung hindi ako yung taya?" natatawang sagot ni Aly.
Tuwang tuwa na naman ang mga loka-loka! Akala mo tong mga to hindi anak ng mga mayayaman at big time na mga negosyante sa buong Luzon! Kapag nakakarinig ng libre dinaig pa mga alam mo na. HAHAHAHA!
Nag decide na kami ng pag pipilian naming resto.
"Si Kersh muna bahala dito kaya bilisan natin ng siya naman makapag lunch." Ika ni Aly.
"Tanungin ko muna." ika ni Chiara.
Lumapit agad ito sa kaniyang pinsan na malapit sa ticket booth kung saan nag check kung ano na ang kalagayan ng mga staffs doon. Maya-maya pa ay agad na rin nakabalik si Chiara.
"Ano may sinabi ba kung anong gusto para ako na rin bahala." tanong ni Aly.
"Kung ano daw order ni Krisantta, yun na rin daw lunch ni kuya." sagot ni Chiara.
HA?!
BAKIT AKO NA NAMAN?
Narinig ito ng mga kaibigan ko at agad tumingin ng masama sa akin.
"I smell something fishy na talaga." ika ni Eunice.
"Para talagang may something." dudang sinabi ni Sheena.
BINABASA MO ANG
In your eyes (On-going)
Romance[ON GOING] Maria Krisantta Cua. Kaya bang pag-takpan ng kasinungalingan ang pag-kakamali? Madali bang takasan ang lahat ng nakasanayan? Note: This story isn't pure fictional. Some are based on my real life experiences. Ps: inagiw at inalikabok n...